Social media, ‘lifeline’ ng simbahan sa nararanasang COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

May 25, 2020, 2:04PM

Binigyan diin ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na malaking gampanin sa pagpapahayag ng ebanghelyo ang social communications.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Vice-President ng C-B-C-P, ito ay dahil sa lawak ng naabot ng internet at social media.

“Bakit natin hahayaan na ang Mabuting Balita hindi makaabot sa kamalayan ng mga tao, kapag pinanood ng tao sa online, livestream they are watching upclose malinaw, naririnig ng mabuti. They get every word,” ayon pa sa obispo.

Tinukoy ni Bishop David ang kahalagahan ng social media lalung-lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandemya kung saan hindi pinahihintulutan ang paglabas ng mga tao at ang maramihang pagtitipon.

“But we have to cooperate with the government para masupil natin ang pandemya. Ngayon biglang naging lifeline ng simbahan ay ang social communications ministry,” ayon kay Bishop David sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Nilinaw ng Obispo na itinaon ang pagdiriwang ng World of Social Communications sa Feast of the Ascension dahil dito nagsimula ang misyon ng simbahan sa pamamahayag ng mabuting balita.

“May misyon tayo at isa sa epektibong pamamahayag ay ang social communications kasi we cannot remain conservative with regard to communications,” ayon kay Bishop David.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, umaabot na sa higit 14-libong katao ang nahahawaan ng Covid-19 na bagama’t ibinaba na sa mas maluwag na panuntunan ang antas ng community quarantine ay hindi pa rin pinapahintulutan ang mass gatherings.

Bagama’t pinahintulutan ang pagdaraos ng pampublikong misa sa mga parokya, nililimitahan naman ng Inter-Agency Task Force sa ilalim ng modified enhanced community quarantine at general community quarantine ng hanggang sa 10-katao ang maaring dumalo sa misa.

Sa kabila nito, naghahanda na rin ang simbahan sa 86 na diyosesis sa buong bansa sa unti-unting pagbabalik ng mga misa sa parokya sa pamamagitan ng mga papairaling panuntunan ng kalinisan.

Sa inilabas na pamantayan ng C-B-C-P mahigpit na paiiralin ang social distancing, no-touch policy, paggamit ng face mask at paglalagay ng foot bath sa mga pintuan ng simbahan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,465 total reads

 22,465 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,017 total reads

 43,017 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 116,591 total reads

 116,591 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 201,961 total reads

 201,961 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 248,696 total reads

 248,696 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 296,567 total reads

 296,567 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 394,554 total reads

 394,554 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,467 total reads

 22,467 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top