Maging pag-asa ng kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 489 total views

May 28, 2020, 8:44AM

Ang pag-akyat sa langit ni Hesus ay hindi dapat na ituring na pag-abandona o pang-iiwan ng bugtong na anak ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito ang pagninilay ni CBCP – Episcopal Commission on Youth Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus at nakatakdang paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na na hudyat ng pagtatapos ng Easter Season o Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ayon sa Obispo, ang pag-akyat sa langit ni Hesus ay hindi pang-iiwan sa sangkatauhan sa halip ay pagbibigay ng lakas at katatagan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Banal na Espiritu upang magsilbing gabay ng bawat isa.

Ipinaliwanag ni Bishop Alarcon na ipinagkaloob ng Panginoon ang Banal na Espiritu bilang gabay sa katotohanan lalo na sa gitna ng maraming pagsubok at pangamba na nadarama ng bawat isa.

“Itong Ascension is Jesus parang goes up but He really doesn’t leave us in fact He empowers us and we must spread the Word, the Truth that God is with us, He is still the Emmanuel God with Us, He sent us the Spirit for assistance, the spirit of truth especially now that we have many questions but we pray that with the guidance of the spirit of truth who will draw us with the truth will help us understand and find meaning in all this difficulties, challenges, trials that we are facing…” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa naman ang Obispo na nawa ay magsilbing gabay rin ang Banal na Espiritu upang tulad ng nais ng mga kabataan ay mas maging totoo at bukas ang bawat isa sa tunay na mensaheng ipinapahatid ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ipinagdarasal ni Bishop Alarcon na magsilbing daan ang Banal na Espiritu upang magkaroon ng mas malawak at malalim na pag-unawa ang bawat isa sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagkikipag-unayan upang magsilbing tagapaghatid ng pag-asa at pagbabago sa daigdig.

“Be authentic yan ang gusto ng mga kabataan that we be authentic, that we be sensitive to others and that we also act on God’s message it is not just listening but to act based on the message so that we may change perspective, widen understanding, bring people together to collaborate so that they can make a difference, so that they can be, may we bring hope to others…”pahayag ng Obispo

Ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus ay ginunita isang linggo bago ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na pagdiriwang sa pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles na ginugunita tuwing ikapitong Linggo makalipas ang Linggo ng Pagkabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 34,702 total views

 34,702 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 208,636 total views

 208,636 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 186,269 total views

 186,269 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 249,126 total views

 249,126 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 266,309 total views

 266,309 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top