Msgr. Olaguer, nagbitiw bilang tagapagsalita ng Bureau of Corrections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 985 total views

Matapos ang halos isan taon, nagbitiw na bilang tapagsalita ng Bureau of Corrections si Msgr. Roberto ‘Bobby’ Olaguer, ang chaplain ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ayon sa pari, tinanggap naman ng pamunuan ng ahensiya ang kanyang pagbibitiw lalo na at naging kontrobersyal ang kanyang mga pahayag sa engkuwentro ng mga tauhan ng New Bilibid Prison at ng Special Action Force sa isang raid sa bilanguan kamakailan.

“Nag-resign na ako as spokesperson ng Bureau of Corrections since Monday, may nabitawan akong salita noong last week na totoo naman na nakaka…daw sa image ng bureau o ng staff, di ko naman pwede bawiin yun, tinanggap naman at mag-aasign na lang daw ng iba.” Pahayag ni msgr. Olaguer sa programang Veritasan ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ayon kay Msgr. Olaguer dumadalo ngayon sa re training ang mahigit 200 kawani ng NBP karamihan dito mga jail guard sa Camp Vicente Lim sa Laguna upang mapataas ang kanilang moral.

Ayon kay Msgr. Olaguer, bumaba ang moral ng mga kawani matapos silang pagbintangan na mga scalawags.

“Pinipilit nating itaas ang moral ng mga empleyado , may guard kami na higit 200 nagre- training ngayon ang mga prison guard, marami pa ring matutuwid pero ni-lable sila ng isa isa sa lider natin lahat sila scalawags medyo na demoralize sila, kaya nagte-train sila sa Camp Vicente lim, at binibigayn ko sila ng moral booster at mapalakas pa ang loob nila para di sila ma-demoralize.” Pahayag ni Msgr. Olaguer.

Nito lamang linggo, nakakumpiska muli ng mga shabu, pera, armas at mga gadgets sa NBP na ayon kay Msgr. Olaguer ay posibleng tira-tira na lamang ng mga bultuhang nakumpiska noon.

“May mangilan-ngilan na lang na nakukuha na shabu, siguro mga tira o personal na gamit na lang nila, palagay ko wala ng makapagpasok ng bulto-bulto, nakapahigpit na talaga, yan ang inaasahan natin ang maging parang success operation ang SAF.” Ayon kay Msgr. Olaguer.

Sa record ng (BKMP) o Bureau of Jail Management and Penology, nasa higit 94,000 ang nakakulong hanggang nitong September ng 2015 kung saan higit 64,000 dito may kinalaman sa iligal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 5,181 total views

 5,181 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 29,497 total views

 29,497 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 65,287 total views

 65,287 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 107,107 total views

 107,107 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 160,050 total views

 160,050 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 14,193 total views

 14,193 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 232,685 total views

 232,685 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top