Arch. of Cebu, may programa sa drug surrenderees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Nakikipagtulungan na ang Archdiocese of Cebu sa pamahalaan sa usapin ng pagtulong sa mga sumukong drug users sa bansa upang makapagbagong buhay.

Ayon kay Fr. Carmelo Diola ng Dilaab Foundation, sa pakikipagtulangan sa kanila ng local government units gaya ng mga barangay, ipatutupad nila ang community-based drug services system upang matulungan ang nasa 600,000 drug surrenderees.

Pahayag pa ng pari, base sa kanilang datus na nakalap, tinatayang nasa 3 milyon ang drug addict sa bansa kung saan 2.9 milyon dito ay nangangailangan ng rehabilitasyon na hindi kaya ng 45 rehabilitation centers sa bansa.

Sinabi ni Fr. Diola, dahil dito, kinakailangan ang community-level reintegration program sa tulong halimbawa ng support group na Narcotics Anonymous (NA), sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, civil society groups at ng Simbahan sa pamamagitan ng Ugnayan ng Barangay at Simbahan (UBAS).

Ayon kay Fr. Diola, karamihan sa dahilan ng mga sumusukong drug users na bumalik sa kanilang bisyo ay dahil sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno at ng ibat-ibang sektor.

“Tatlong components ito, may government component like surrendering, may medical and reintegration to society , di naman tayo medical professional kaya yung rehab di namin pinasukan yan, what we did is dun sa reintegration…kasi ang estimated addict sa Pilipinas 3 million, sa ngayon 600,000 ang sumurender and we have only 45 rehabilitation centers and they can only absorb 5,000 patients, if they can afford medyo mahal po yan so based on experience sa Cebu, nung binigyan ng drug test ang 5,000 only 11 did not need rehab, so 3M only 100,000 out of this do not need rehab and 2.9 million need rehab and we can only absorb 5,000, sumu-surrender sila, to clear their names, afraid to die, offered work at iba pa at kung walang intervention diyan, more than despair ito,” pahayag ni Fr. Diola sa panayam ng Radyo Veritas.

Nanawagan din ang pari sa mga parokya at Simbahan na buksan ang kanilang pintuan para tulungan ang Narcotics Anonymous sa kanilang mga gawain sa mga sumuko na nangangailangan ng kanilang tulong.

“Kaya ang ideya natin ay Church, pastors, open your Church, parishes your chapels to Narcotics Anonymous fellowship, even if they undergo rehab kung walang support group, babalik at babalik sila sa dati, tulungan natin ang Narcotics Anonymous,” panawagan ng pari.

Kamakailan, ayon sa pari, nag-experiment sila ng salo-salong okasyon sa ilang drug surrenderees kung saan nagsagawa sila ng physical exercises gaya ng Zumba, Jogging, boodle fight, testimonial sharing sa NA at iba pa bilang pakikisalamuha sa mga drug users at upang maramdaman nilang sila ay bahagi pa rin ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,613 total reads

 7,613 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 89,121 total reads

 89,121 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 183,346 total reads

 183,346 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,836 total reads

 243,836 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 257,360 total reads

 257,360 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 204,444 total reads

 204,444 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 349,444 total reads

 349,444 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top