Pagpatay sa hepe ng NCMH, offense against humanity

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,964 total reads

July 28, 2020, 11:40AM

Offense against humanity ang pagpatay sa National Center for Mental Health (NCMH) Medical Chief Dr. Roland Cortez.

Ito ang naging pahayag ni CBCP Episcopal Commission on Health Care Vice-chairman at Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa pagpatay sa kay NCMH Chief Cortez at sa kanyang driver na si Ernesto Dela Cruz nitong Lunes ng umaga sa Tandang Sora, Quezon City.

Tinawag ni Bishop Florencio na “crime against humanity” ang pagpatay dahil higit na kailangan ang pagtugon sa mental health ng mamamayan na nahaharap bansa sa krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Ayon sa Obispo, nakakagulat na may mga medical frontliners ang nagiging biktima ng karahasan sa gitna ng pangkalusugang krisis.

“This is an offense against humanity because the fight against COVID is not just about medical, or about economy but also a fight for a stable mental health. We are in the midst of pandemic and a loss of a medical professional is something we do not expect. They are our frontliners.” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas

Hinikayat rin ng Obispo ang mga Filipino na ipagdasal ang mga nasawi at ang mga nagkasala upang kanilang isaalang-alang ang mas malaking epekto ng kanilang mga desisyon.

“I would like to enjoin everyone to pray for the slain medical professional and his driver. Let us also pray for the perpetrators that they will also consider even if they are aggrieved for one reason or another, they should always think for the greater impact their acts will have to the greater populace.” panawagan ng Obispo

Una nang nagpahayag ng pagka-alarma at pagkabigla ang Department of Health sa pagpatay sa doktor at driver nito.

Ipinaabot rin ng ahensya ang pakikiramay sa pamilya ng biktima at tiniyak ang pakikipagtulungan sa awtoridad para mabigyang hustisya ang krimen.

Kaisa naman ang Simbahan sa panawagan na pahalagahan ang mental health ng mga Filipino.

Kaugnay nito, bumuo ang CBCP sa pangunguna ng Episcopal Commission on Health Care ng isang talaan ng mental health services para sa mga medical worker gayundin sa mamamayan na lubhang naapektuhan ng stress dulot pandemyang kinahaharap ng buong mundo.

Batay sa survey ng SWS nitong Hulyo, 86% o siyam sa sampung Filipino ang nakararanas ng stress dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,485 total reads

 22,485 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,034 total reads

 43,034 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 116,640 total reads

 116,640 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 202,010 total reads

 202,010 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 248,745 total reads

 248,745 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 296,616 total reads

 296,616 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 394,600 total reads

 394,600 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 315,704 total reads

 315,704 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 421,798 total reads

 421,798 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top