Masbate, patuloy na nakakaranas ng aftershocks

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,614 total reads

August 20, 2020-11:08am

Nangangamba rin ang munisipalidad ng Dimasalang sa Masbate dulot ng patuloy na aftershocks matapos ang 6.6 magnitude na lindol sa Cataingan, Masbate.

Ayon kay Fr. Paolo Granado Cervantes, parish priest ng Saint Joseph, bagama’t walang matinding pinsala sa mga gusali sa kanilang ay ito ang pinakamalakas na lindol na kaniyang naranasan.

“So far ito ang pinakamalakas na na-experience ko na pagyanig dito sa Masbate. Kasi native din ako ng Masbate. So far, ito ang pinakamalakas na naranasan ko,” ayon kay Fr. Cervantes sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Ang Masbate ay binuguo ng 21 bayan kung saan and Dimasalang ay may 36 na kilometro ang layo mula sa Cataingan.

“Natakot kami sa safety ng mga tao syempre. Lalu dito sa amin, although maganda naman ang pundasyon ng aming simbahan at kumbento. Pero kakaiba talaga ang naranasan naming as in nakakatakot kasi it was the first time that we ever experience (ang ganitong klase) ng lindol,” ayon pa kay Fr. Cervantes.

Ayon sa pari matapos ang malakas na lindol ay sunod-sunod pang pagyanig ang kanilang naranasan kaya’t karamihan sa mga residente ay sa labas na lamang naglagay ng masisilungan para sa kaligtasan ng kanilang pamilya.

Sa ulat naman ni Bitong Española ng Masbate Spirit FM, sa Cataingan ilan sa mga residente ang pansamantalang ngayong nanunuluyan sa Cataingan National High School matapos na mapinsala ang kanilang mga bahay dulot ng lindol.

Ilang mga residente naman ang nagtayo ng mga pansamantalang sisilungan sa kanilang bakuran sa pangambang tuluyan ng bumagsak ang bahay dahil sa patuloy na pagyanig.

Ayon pa kay Española, nangangamba rin ang mga taga-barangay Matayong dahil sa hindi normal na pagtaas ng tubig sa baybayin- dulot na rin ng pagbaba ng lupa sanhi ng malakas na lindol.

Una na ring nanawagan ng tulong si Masbate Bishop Jose Bantolo para sa mga residenteng labis na naapektuhan ng lindol.

Sa munisipalidad ng Cataingan na siyang sentro ng pagyanig, ito ay binubuo ng 35 barangay na sa inisyal na ulat ay pitong barangay ang labis na napinsala.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,230 total reads

 17,230 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 37,833 total reads

 37,833 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 107,538 total reads

 107,538 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 192,906 total reads

 192,906 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 239,642 total reads

 239,642 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 287,514 total reads

 287,514 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,048 total reads

 386,048 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,231 total reads

 17,231 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top