Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbibigay paggalang sa kalayaan, karapatan ng nakatatanda- pinuri ng CHR

SHARE THE TRUTH

 670 total views

August 20, 2020-11:20am

Nasasaad sa apostolic exhortation ni Pope John Paull II na Familiaris Consortio-bahagi ng pastoral na gawain ng Simbahan at ng mga Kristiyano na alamin, kilalanin, at pagyamanin ang gamapanin ng mga nakatatanda sa lipunan na mayroon ng mahaba at malalim na karanasan sa buhay.

Pinuri ng Commission on Human Rights ang inilabas na memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gumagalang sa karapatan ng mga matatanda na makalabas ng bahay sa kabila ng mga ipinatutupad na iba’t ibang antas ng community quarantine sa bansa bilang pag-iingat mula sa pandemic novel coronavirus.

Ayon kay CHR Focal Commissioner on the Human Rights of Older Persons Karen S. Gomez Dumpit, naangkop lamang ang hakbang ng DILG na payagang maging ang matatanda na makalabas ng tahanan sa kabila ng pagiging vulnerable sa COVID-19.

“In behalf of older persons, we commend the Department of the Interior and Local Government (DILG) in adopting a rights-based and non-discriminatory policy that respects the freedom of movement of older persons in areas under community quarantine and, at the same time, installs protective measures for older persons,” ang bahagi ng pahayag ni Dumpit.

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-110 ng IATF-EID Guidelines ang mandato sa mga lokal na pamahalaan at mga kawani ng Philippine National Police na pagpapahintulot sa mga matatanda sa mga lugar kung saan umiiral ang iba’t ibang antas ng community quarantine na makalabas sa komunidad upang makabili ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan, gayundin ang makapagtrabaho.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Dumpit ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa mga safety health protocols na patuloy na ipinatutupad ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa mula sa nakahahawang COVID-19.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 5,053 total views

 5,053 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 13,289 total views

 13,289 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 21,271 total views

 21,271 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 29,834 total views

 29,834 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 37,891 total views

 37,891 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 1,576 total views

 1,576 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top