Arkidiyosesis ng Pampanga, tiniyak ang mahigpit na pagpapairal ng health protocols sa mga simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,124 total reads

August 20, 2020-2:20pm

Tiniyak ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga ang mahigpit na pagsunod sa ipinatutupad na safety health protocols bilang pag-iingat mula sa pandemic novel coronavirus.

Sa inilabas na direktiba ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias ay iginiit ng Arsobispo ang pagsunod sa pagpapatupad ng mga safety health standards sa lahat ng mga parokya at institusyon ng Simbahan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa mula sa COVID-19.

Kabilang sa mga safety health protocols na ipinatutupad ng arkidiyosesis ay ang pagsusuot ng face masks, face shield, physical distancing, madalas na disinfection sa simbahan matapos ang pagsasagawa ng banal na misa, pagsusuri sa temperatura at ang paghuhugas ng kamay gamit o kaya naman ay paggamit ng alcohol.

Bukod pa rito ang pagtatala ng mga dumadalo sa misa sa logbook na maaring gamitin para sa contract tracing.

Ayon sa Arsobispo, ipinapaalala rin na huwag munang dumalo sa Parokya kung may karamdaman, maging ang mga senior citizen at mga batang wala pa sa edad na 21.

Sa halip ay pansamatala munang makibahagi sa misa sa pamamagitan ng radio, telebisyon at sa internet.

Sa huli pinaalalahanan rin ng Arsobispo ang bawat mananamapalataya na patuloy na manalangin ng Oratio Imperata at ipanalangin ang pamamagitan ng Virgen de los Remedios na kilala rin bilang ‘Indu ning Kapaldanan’ na siyang pintakasi ng lalawigan upang ipag-adya ang bawat isa mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Sa Pampanga umiiral ang Modified General Community Quarantine (MGCQ) kung saan pinapayagan ang pagdalo ng publiko ng hanggang sa sampung porsiyento ng kapasidad ng simbahan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 18,444 total reads

 18,444 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,031 total reads

 39,031 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 109,202 total reads

 109,202 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 194,570 total reads

 194,570 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 241,306 total reads

 241,306 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 289,178 total reads

 289,178 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 387,517 total reads

 387,517 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top