NHCP pinagtibay na sa isla ng Limasawa ginanap ang unang misa sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,350 total reads

August 21, 2020-9:31am

Ikinalulugod ng Diyosesis ng Maasin ang pagpatibay ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa desisyon kaugnay sa lugar na unang pinangyarihan ng Banal na Misa noong 1521.

Ayon kay Bishop Precioso Cantillas, SDB, ang naturang hakbang ay paanyayahang nararapat na magkaisa ang mananampalataya sa paggunita sa pinakamahalagang biyayang kaloob ng Panginoon sa mga Filipino makalipas ang halos limang sentenaryo.

Ang desisyon ng NHCP ayon sa obispo ay nagbibigay linaw din sa usapin ng makasaysayang lugar na pinangyarihan ng unang misa sa bansa sapagkat may ilang nagsasabing naganap ito sa Butuan Agusan Del Norte.

“The recent reaffirmation of the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) on the site of the first recorded Easter Mass celebrated in Limasawa Island should put behind us, Filipinos, the issue on the site of the great event of our Faith, the Eucharist first occurred. This should make all of us united in celebrating the significance of this event, the Real Presence of Jesus Christ, in the Eucharist celebrated in an insignificant island of our country 500 years ago,” pahayag ni Bishop Cantillas sa Radio Veritas.

Nasasaad sa resolusyon ng NHCP noong ika-15 ng Hulyo, kinilala ng ahensya ang Limasawa Island sa Southern Leyte bilang lugar na pinangyarihan ng kauna-unahan at makasaysayang misa sa Pilipinas na pinangunahan ni Rev. Fr. Pedro de Valderrama noong ika-31 ng Marso 1521.

Taong 2018 nang binuo ng NHCP ang grupong magsusuri sa kontrobersyal na usapin ng historic site na pinamunuan ni Historian at National artist Resil Mojares upang tukuyin ang partikular na lugar na pinagdausan ng unang banal na misa.

Lumabas sa pagsusuri ng grupo ni Mojares na hindi sapat ang mga ebidensya at argumento ng Butuan City proponents kaya’t muling pinagtibay ng NHCP ang desisyong pabor sa Limasawa Island.

“This reaffirms God’s special predilection on us, as His people in the Far East of the globe,” dagdag ni Bishop Cantillas.

Ito na ang ikaapat na pagkakataong sinuri at pinag-aralan ng mga eksperto ang “First Easter Sunday Mass” upang malutas na ang nautrang usapin.

Batay sa mga naunang pagsusuri noong 1980, 1995 at 2008, kapwa pabor sa Limasawa Island ang resulta nito.

Suportado ang Mojares panel ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na may sariling grupo ng mga church historians na karamihan ay kasapi ng Church Historian Association of the Philippines.

“The Diocese of Maasin is grateful for the privilege of being the particular Church where the event happened. Diocesan celebrations and projects have been done for the 3-year celebration of the event till 2021,” saad ng obispo.

Malugod ding inaanyayahan ni Bishop Cantillas ang mananampalataya na makiisa sa pasasalamat at pagdiriwang sa kaloob ng Panginoon na pananampalataya sa mga Filipino partikular ang paggunita ng unang misa sa Limasawa Island.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 19,422 total reads

 19,422 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 40,009 total reads

 40,009 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 110,859 total reads

 110,859 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 196,227 total reads

 196,227 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 242,963 total reads

 242,963 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 290,835 total reads

 290,835 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 389,041 total reads

 389,041 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top