Obispo, nanawagan sa mga ecclesiastical provinces sa pagtatayo ng mga rehab center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

Naniniwala ang Obispo ng Luzon na masosolusyunan ang dumaraming bilang ng mga sumukong drug users at pushers kung magtutulungan ang bawat rehiyon sa pagpapatayo ng rehabilitation centers.

Ayon kay Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba, hindi kakayanin ng isang parokya o Diyosesis ang pagbibigay ng pasilidad kayat kinakailangan ang tulong at saklolo ng bawat rehiyon upang maisakatuparan ito.

Sinabi ng Obispo na mas mapapabilis ang pagtugon ng Simbahan kung magtutulungan ang bawat ecclesiastical provinces na paramihin pa ang rehab centers sa bansa.

“Kung talagang dibdiban, seryosong rehab center medyo kakailanganin natin ang funding noon. Pero siguro ang inisip ko niyan baka mahihirapan on a diocesan level baka on a regional level magtutulungan yung mga juridical jurisdiction. Otherwise mahirap naman mag-multiply ng rehab center, pano yung maintenance mo nun?” pahayag ni Bishop Mayugba.

Hinimok rin ng Obispo ang mga doktor na handang mag – alay ng kanilang oras at panahon para bumuo ng kanilang hanay na tututok sa rehabilitasyon ng mga drug related surrenderees.

“Kung meron sanang mga doctors who are willing to render some kind or mag-organize ng medical team to work for rehab that could be an option. Kesa yung ilagay mo sila lahat sa kulungan siksik sila dun. They are all restraint pero wala namang intervention to help them personally to overcome an addiction,” giit pa ni Bishop Mayugba.

Sa datos na binanggit ni Senate Minority Leader Senator Ralph Recto, lumilitaw na 3,216 lamang ang kabuuang bilang ng mga bed sa mga government at private drug rehabilitation center.

Batid rin na walang government rehabilitation center sa halos kalahati ng mga rehiyon sa bansa.

Nauna na ring iminungkahi ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma na gawing rehabilitation center pansamantala ang mga parokya sa kanyang arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 20,906 total views

 20,906 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 88,635 total views

 88,635 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 111,787 total views

 111,787 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 181,902 total views

 181,902 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 255,052 total views

 255,052 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 147,978 total views

 147,978 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 312,328 total views

 312,328 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top