Caritas Germany, nagbigay ng 100K Euros sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Nagsimula na ngayong araw ang proyektong Caritas Damayan Emergency Food and Non Food Assistance for COVID-19 Extreme Enhanced Community Quarantine Families ng Caritas Manila katuwang ang Caritas Germany.

Layunin ng programa na magbigay ng tulong sa may 4,525 na residente sa Barangay 201 Zone 20 Pasay City na nasasakupan ng Our Lady of the Most blessed Sacrament Parish, na isa sa mga lugar na idineklarang may pinakamaraming apektado ng Covid-19 sa lungsod at sumailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine ng ilang buwan.

Ang proyekto ay ginawa sa pagtutulungan ng Caritas Manila at Caritas Germany na nagbigay ng 100,000 Euros o mahigit sa P5 milyong piso.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, Malaking tulong ang ibinahagi ng Caritas Germany para sa patuloy na ayuda sa mga mahihirap na naapektuhan ng pandemya dito sa bansa.

Ipinaliwanag ni Fr. Pascual na ang pagtutulungan ng dalawang institusyon ng Simbahan lokal man o mula sa ibang bansa ay patunay lamang na kumikilos ang Simbahan Katolika para labanan ang krisis na dala ng Covid 19 Pandemic lalo na sa mga mahihirap at mga nagugutom.

“Nagpapasalamat tayo sa Caritas Germany sa kanilang ayuda para sa nga mahihirap na naapektuhan ng pandemya dito sa Pasay City. Alam naman natin na hindi lang kalusugan ang dulot na pinsala ng covid19 sa Pilipinas kundi mas matindi ang kabuhayan. Madami ngayon ang nagugutom at malnutrisyon sa mga bata. Nadagdagan ng 8-milyon ang mahirap. Ang tugon ng Caritas Germany na P5-milyong Piso ay malaki ang tulong sa mga urban poor sa krisis na ito. Ito ang tunay na charity in Action. We spread the CHARITY VIRUS contra Corona virus.” mensahe ni Fr. Pascual na siya ring Pangulo ng Radyo Veritas 846.

Tinukoy ng Caritas Manila ang mga “Poorest Among the Poor” na Pamilya sa nasabing lugar at siyang makakatanggap ng mga food packs na naglalaman ng bigas, de lata, pancit, dried fish, at munggo bukod pa sa mga Hygiene kits gaya ng Alcohol, Face Mask, Gloves mga sabon at maging mga Vitamins.

Tiniyak din ng nasabing Social Arm ng Archdiocese of Manila ang pagpapatupad ng social distancing at health protocol sa gagawing pamimigay ng ayuda.

Magugunitang una nang namahagi ang Caritas Manila ng mahigit sa P1.7 Bilyong halaga ng mga Gift Certificates katuwang ang iba’t-ibang Business Institutions sa buong Metro Manila at mga karatig lalawigan sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Enchanced Community Quarantine sa bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,432 total reads

 9,432 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,878 total reads

 10,878 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,482 total reads

 23,482 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 60,860 total reads

 60,860 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 92,130 total reads

 92,130 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 167,890 total reads

 167,890 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,982 total reads

 260,982 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,259 total reads

 100,259 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top