CBCP, nagpasasalamat sa mga naglilingkod sa mga piitan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) sa mga Volunteers in Prison Service (VIPS) na nagsusumikap na tugunan ang pangangailangan ng mga bilanggo sa kabila ng banta ng pandemya.

Ito ang mensahe ni Fr. Nezelle Lirio-executive secretary CBCP-ECPPC sa pagsisimula paggunita ng Prison Awareness Week ngayon taon. Ayon sa pari, mahalaga ang ginagampanan ng mga VIPS bilang katuwang ng Simbahan sa pagkalinga sa mga bilanggo lalo na ngayong panahon ng pandemya na higit na mapanganib na makahawa sa mga bilanggo lalu’t siksikan ang mga bilangguan.

“I am very hopeful and grateful that our VIPS are indeed very resourceful and never frightened by this situation. They can find ways on how to keep this celebration be observed to continuously spread the unconditional love of God that brings hope and restore justice. My dear VIPS, thank you in tirelessly proclaiming god’s unconditional love in every way you can,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Lirio sa panayam sa Radio Veritas.

Pinapurihan din ni Fr. Lirio ang katapangan at pagsusumikap ng volunteers upang maidapama sa mga bilanggo ang pag-ibig ng Panginoon kasabay ng pagbibigay ng pag-asa sa mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mabuting salita ng Diyos.

Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing During This Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love” na gugunitain mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre. Layunin ng taunang paggunita ng Prison Awareness Week na pukawin ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

Sa tala ng kumisyon may aabot lamang sa 2,500 ang bilang ng mga volunteer sa buong bansa na katuwang ng simbahan sa pagkakaloob ng iba’t ibang programa upang makatulong at bigyan ng panibagong pag-asa ang mga bilanggo na muling makapagbagong buhay.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,459 total reads

 9,459 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,902 total reads

 10,902 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,532 total reads

 23,532 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 60,910 total reads

 60,910 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 92,180 total reads

 92,180 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 167,936 total reads

 167,936 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 261,025 total reads

 261,025 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,143 total reads

 25,143 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top