BEC, malaking bahagi sa paglago ng pananampalatayang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Committee on Basic Ecclesial Community na malaki ang papel na ginagampanan ng mananampalataya sa pagpalawak ng Kristiyanong pamayanan.

Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, chairman ng komisyon, sa pagbubuklod ng munting pamayanan ay mas lumalago ang pananampalatayang Kristiyano at lumaganap ang turo ng Panginoon.

“Malaki ang maitutulong ng BEC sapagkat ito ang Simbahan sa mga munting pamayanan; sa mga kapitbahayan,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.

Ito ang pahayag ng arsobispo hinggil sa ulat na mas lumaki pa ang bilang ng mga Kristiyano katoliko sa buong daigdig ngayong taon.

Sa inilabas na report information service ng Pontifical Mission Societies na Fides News Service, tumaas ng halos 16-milyon ang bilang ng mga Katoliko ngayong taon o katumbas sa 1.33 billion sa kaubuuhan.

Sa naturang bilang nangunguna ang Africa sa mga kontinenteng may pinakamaraming nagpabinyag sa 9.2 milyon, 4.5 milyon naman sa America, 1.8 milyon sa Asya, 177, 000 sa Oceania habang 94, 000 naman sa Europa.

Nanatili naman ang Pilipinas sa mga bansang nangunguna sa Asya na may pinakamaraming binyagang Katoliko na nasa mahigit 80-porsyento ng higit isandaang milyong populasyon.

Binigyang diin ni Archbishop Cabantan na sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga BEC sa bawat lugar ay mas makahihikayat pa ito sa pananampalatayang Katoliko at paglilingkod sa Panginoon.

“Sa bukluran ng BEC may pagkakaisa ang mananampalataya; ito ang malaking partisipasyon sa Misyon ng simbahan na makahikayat ng tao tungo sa Panginoon,” dagdag pa ni Archbishop Cabantan.

Ikinatuwa ng simbahang katolika ang pagtaas ng bilang ng mananampalataya lalo’t sa Pilipinas ay maigting ang paghahanda ng simbahan sa pagdiriwang ng ikalimandaang taon ng Kristiyanismo sa bansa sa 2021.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,708 total reads

 8,708 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,210 total reads

 10,210 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 22,296 total reads

 22,296 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 59,674 total reads

 59,674 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 90,944 total reads

 90,944 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 166,869 total reads

 166,869 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,008 total reads

 260,008 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,710 total reads

 8,710 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top