Caritas Manila, umani ng papuri sa mga jeepney driver

SHARE THE TRUTH

 338 total views

Patuloy na binibigyan ng ayuda ng Caritas Manila ang mga jeepney driver na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa Metro Manila.

Ayon kay Caritas Manila executive director Fr. Anton CT. Pascual, napakahalaga ng misyon ng Simbahan na ipinapaalala ng World Mission Sunday na pagtutulungan upang maibsan ang kahirapan at kagutuman ng mga dukha sa bansa.

Inihalimbawa ng pari ang mga jeepney driver na ngayon ay nahaharap sa iba’t-ibang suliranin dahil sa krisis na dulot ng pandemya sa sektor ng pampublikong transportasyon na mas lumiit pa ang kita dahil sa social distancing.

“Ito nga napakahalaga nga ng ginagawa ng Caritas Manila na kawanggawa upang maibsan ang kagutuman ng ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya. Lalung-lalo na itong mga jeepney drivers at ang kanilang pamilya kasi di nga sila makalabas. Kung makalabas man ay maliit lang ang kita dahil sa distancing,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Pascual ang patuloy na isinasagawang pag-aaral ng Caritas Manila kaugnay sa binabalak na paglikha ng isang kooperatiba para sa mga jeepney drivers na malaki ang maitutulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Bahagi ng layunin ng pagbubuo ng kooperatiba ng Caritas Manila ay upang matulungan ang mga jeepney drivers na makapag-ipon, makapag-loan at magkaroon ng modern jeepney na bahagi ng modernization program.

“Tayo’y nagbabalak na sumuporta sa mga jeepney drivers, magtayo ng isang malaking kooperatiba para matulungan nga sila sa pagbili ng bagong jeep na siyang requirement ng gobyerno. Pero kailangang magkaisa ang mga drivers. Sabi nga may 55-libong driver operators at kung merong tatlong driver na umeextra, siguro meron tayong mahina 200-libong drivers sa Metro Manila lang na jeepney. Napakalaking pwersa n’yan para magpalaki tayo ng isang kooperatiba, dun na sila humiram ng jeep, dun na sila mag-ipon, dun na sila mangutang at ‘pag kumita ang kooperatiba, hati-hati pa sila,” ayon sa kay Fr. Pascual.

Ayon kay Caritas Manila Special operations head Fr. Moises Ciego, bagama’t naaantala ang pagpapatupad ng nasabing kooperatiba ay patuloy pa rin itong pinag-aralan ng mga manager upang mas maging epektibo at maraming matulungan na mga jeepney driver.

Katuwang din ng Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong sa mga jeepney drivers sa Metro Manila ang Caritas Kalookan at Caritas Cubao.

CARITAS MANILA AT CARITAS KALOOKAN

Pagbabahagi ni Caritas Kalookan in-charge Fr. Marcelo Andamon, Jr. OMI, umabot sa mahigit 1,900 jeepney drivers na naapektuhan ng pandemya maging ng jeepney modernization project ng pamahalaan ang natulungan ng Caritas Manila katuwang ang Caritas Kalookan.

Nagpahayag rin ng pasasalamat ang pari sa tulong na ibinahagi ng Caritas Manila sa Diocese ng Kalookan maging sa mga tumulong na donors na naghahatid at nagpapakita malasakit para sa mga higit na nangagailangan na apektado ng pandemya.

“Nagpapasalamat po tayo sa Caritas Manila sa kanilang malasakit para sa Diocese ng Kalookan. Sa ngalan po ng ating mahal na obispo, Bishop Pablo David, nagpapasalamat po ako sa lahat ng donors natin na kung saan, sa kongkretong paraan ay ipinakita po nila ang kanilang malasakit sa mga drivers po natin at marami na po tayong natulungan,” ayon kay Fr. Andamon.

CARITAS MANILA AT CARITAS CUBAO

Ibinahagi rin ni Cubao Social Action Director Fr. Ronnie Santos na mas epektibo at malawak ang naipapaabot na tulong ng Simbahan para sa mga jeepney drivers na hindi makapamasada at walang kinikita sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawang social action arm ng mga diyosesis.

Sinabi ng Pari na hindi lamang ayuda ang hatid ng Simbahan kun’di maging ang pagbabago ng kaisipan sa pagpapalaganap ng kooperatiba at plant-based diet na nagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masustansyang paraan ng pamumuhay.

“Kasi sila po ‘yung mga wala pang pasada at yung iba ay bago pa lamang bumabangon. At kailangang-kailangan nila ng suporta ng simbahan kaya ang ganda po ng ginagawa ng Caritas Manila, Caritas Cubao, hindi lang po ayuda ang ibinibigay kung hindi pagbabago ng mentalidad, pagbabago ng kaisipan kasi we are promoting kooperatiba and also plant based diet para po hindi tumigil sa pangangarap ang mga mahihirap, nangangailangan,” ayon kay Fr. Santos.

Nagpasalamat din sa Caritas Manila si Fr. Victor Angelo Parlan, parochial vicar ng Diocesan Shrine and Parish of Saint Joseph sa Project 3, Quezon City sa ipinamahaging tulong ng Caritas Manila sa mga tsuper ng jeep.

“Sa ngalan po ng pamayanan namin dito sa St. Joseph Shrine at ‘yung mga barangay na nasasakupan namin dito, nais naming magpasalamat sa mga generous benefactors at donors na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Caritas Manila. Lalo na dito sa amin na maraming jeepney drivers na halos kalahating taon na natengga ‘yung kanilang pasada, sila talaga ‘yung kumbaga yung priority ng aming mga tinutulungan.” ayon kay Fr. Parlan

Lubos din ang pagpasalamat ng Pangulo ng mga jeepney driver association sa Project 2 at 3 na si Sonny Bernardo, sa ipinamahaging tulong ng Caritas Manila.

Ayon kay Bernardo, napakalaking bagay ng tulong na ito sa bawat jeepney drivers na higit na naapektuhan ng pandemya mula ng ipinatupad ang lockdown noong buwan ng Marso.

“Napakasarap po na kami po’y makatanggap ng tulong galing po sa Caritas Manila kasi malaking bagay po sa mga pamilya namin ‘tong naibigay na tulong sa amin. Sa mga donors naman po, laking pasalamat po namin sa kanila. at sana po sa susunod, matulungan pa po kami ulit kasi ang hanapbuhay po namin ngayon ay hindi po talaga sustainable. kumbaga, 50% lang ang karga ng jeep namin, na halos di po kami makaboundary. maka-boundary man po kami, kikita kami kakapiranggot lang po.,” ayon kay Bernardo.

Sa tala, 120 jeepney drivers ang natulungan ng Caritas Manila na may rutang MCU-Sangandaan sa Kalookan; 170 drivers mula sa grupong Piston na may rutang Project 2 at 3 sa Quezon City; at 240 drivers naman mula sa grupong BASICANO sa Camarin, North Caloocan.

Nabigyan din ng ayuda ng Caritas Manila ang mga jeepney driver sa Tondo, Navotas, Taguig at Pasay City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 8,786 total views

 8,786 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 20,864 total views

 20,864 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 40,276 total views

 40,276 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 51,396 total views

 51,396 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 55,324 total views

 55,324 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Year of Prayer 2024: Paghahanda, tungo sa kabanalan

 403 total views

 403 total views Naglabas ng liham-sirkular ang Diyosesis ng Imus hinggil sa pagdiriwang ng Year of Prayer 2024. Inihayag ni Bishop Reynaldo Evangelista na napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kasama ang Presbyterial Council ng diyosesis, na ngayong taon ay bibigyang-tuon ang pagpapaigting sa buhay panalangin at kabanalan ng bawat mananampalataya. Ayon kay Bishop Evangelista, paghahanda na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Environmental group, sang-ayon na imbestigahan ng Senado ang pagmimina at quarrying sa bansa

 541 total views

 541 total views Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa. Layunin ng Senate Resolution No. 989, ang paghihikayat sa mga mambabatas sa senado na imbestigahan ang malawakang pinsalang dulot ng pagmimina at quarrying sa kalikasan, maging sa buhay ng

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

SOHSPH Inc., kinampihan ang Masungi Georeserve Foundation

 1,959 total views

 1,959 total views Suportado ng Seeds of Hope Society Philippines Inc. (SOHSPH Inc.) ang panawagan ng Masungi Georeserve Foundation laban sa binabalak na pagbawi sa kasunduan para sa Masungi Geopark Project sa Baras, Rizal. Ayon sa grupo, ang planong pagbawi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 2017 Memorandum of Agreement ay magiging dahilan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Legacy ng tinaguriang “dancing doctor”, kinilala ng CBCP-ECHC

 6,483 total views

 6,483 total views Nagpapasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) sa 35-taong paglilingkod ni Department of Health Undersecretary, Dr. Eric Tayag. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Dan Cancino na sa mga nagdaang taon bilang tagapagtaguyod ng kalusugan ay naging malikhain at matapang si Tayag sa pagsusulong ng mga

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

DENR, hinamong pangalagaan ang mga protected area sa bansa

 6,892 total views

 6,892 total views Dapat tiyakin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalawak ng mga layunin ng Masungi Georeserve Foundation sa pangangalaga sa protected area. Ayon kay Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, ito ang mahalagang pagtuunan ng DENR sa halip na ituloy ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement (MOA) para

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mayor Lacuna, pinakikilos ng EcoWaste sa bentahan ng iligal na skin lightening products

 6,522 total views

 6,522 total views Naniniwala ang EcoWaste Coalition na matutugunan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang laganap na pagbebenta ng ilegal na skin lightening products sa mga pamilihan sa lungsod. Ito’y matapos na ibahagi ng grupo kay Manila City Mayor Honey Lacuna ang mapa na makakatulong upang mapabilis ang pagtukoy sa mga tindahang nagbebenta ng mga ipinagbabawal

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

MOA cancellation ng DENR sa Masungi Geopark Project, tinututulan ng Caritas Philippines

 14,199 total views

 14,199 total views Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang binabalak na hakbang ng DENR ay hindi makatutulong sa layuning pangalagaan ang kalikasan laban sa tuluyang pagkasira. Ang nasabing kasunduan ay ang 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa ilalim ng pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez, kasama

Read More »
Photo courtesy: CBCP News
Environment
Michael Añonuevo

Bigyan ng pantay na pagpapahalaga ang kalikasan, panawagan ng Obispo

 15,832 total views

 15,832 total views Nananawagan ang Archdiocese of Capiz na isulong ang pagkakaroon ng balanse o patas na pagbibigay ng halaga sa pagitan ng kalikasan at negosyo. Ayon kay Archbishop Victor Bendico, maraming kagubatan at lupain ang naubos na ang mga punongkahoy dahil mas pinagtutuunan ang pagtatayo ng mga negosyo upang pagkakakitaan. “Maraming bukirin na ang nakakalbo

Read More »
Photo courtesy : PAGASA DOST
Environment
Michael Añonuevo

Matinding init, ganti mula sa pang-aabuso ng tao sa kalikasan

 15,871 total views

 15,871 total views Nababahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa. Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan. Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Masakit na katotohanan ang pagkasira ng kalikasan

 8,587 total views

 8,587 total views Nabahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa. Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan. Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magbagong anyo para sa kalikasan, panawagan ng LLS Philippines sa mamamayan

 18,661 total views

 18,661 total views Hinimok ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya na magbagong-anyo para sa sangnilikha. Ayon kay LLS Philippines executive director Rodne Galicha, ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay magandang pagnilayan ang mga nagawang kasalanan hindi lamang sa kapwa, kundi maging sa kalikasan. Sinabi ni Galicha na ang

Read More »
Photo Courtesy: DILG Philippines
Cultural
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng DILG na isabuhay ang diwa ng muling pagkabuhay ng panginoon

 9,199 total views

 9,199 total views Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang mamamayan na gunitain ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon na may pag-asa tungo sa pagkakaisa at pag-unlad sa mga pamayanan. Ayon kay Abalos, ipinapaalala ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang bagong simula upang harapin at malampasan ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Yakapin at ipadama ang pagmamahal ni Hesus sa kapwa

 9,858 total views

 9,858 total views Hindi kailanman mahihinto ang pagpapatawad at pagmamahal ng Panginoon sa sanlibutan. Sa kanyang Easter message, inihayag ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang walang hanggang pag-ibig ang dahilan kaya’t inialay ni Hesus ang Kanyang buhay upang matubos ang mga tao sa kadiliman ng kasalanan. Sinabi ni Bishop Mangalinao na hatid ng

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

ATM, nababahala sa tumataas na kaso ng pag-atake sa environmental activists

 12,865 total views

 12,865 total views Nananawagan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Alyansa Tigil Mina upang imbestigahan ang pagdukot sa dalawang environmental defenders na sina Francisco “Eco” Dangla III at Axielle “Jak” Tiong. Ayon sa ATM ang pagdukot kina Dangla at Tiong ay paglabag sa karapatan ng mamamayan na malayang ipahayag ang pagnanais na maipagtanggol

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Pagdukot sa 2 environmental defenders, kinundena ng Caritas Philippines

 12,883 total views

 12,883 total views Kinundena ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang marahas na pagdukot sa dalawang environmental defenders sa Pangasinan. Tinukoy ng Caritas Philippines ang mga pinuno ng Pangasinan People Strike for the Environment Inc. (PPSEI) at miyembro ng Lingayen-Dagupan Archdiocesan Ministry on Ecology na sina Francisco “Eco” Dangla III

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top