Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Germany, nagbigay ng 100K Euros sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 590 total views

Nagsimula na ngayong araw ang proyektong Caritas Damayan Emergency Food and Non Food Assistance for COVID-19 Extreme Enhanced Community Quarantine Families ng Caritas Manila katuwang ang Caritas Germany.

Layunin ng programa na magbigay ng tulong sa may 4,525 na residente sa Barangay 201 Zone 20 Pasay City na nasasakupan ng Our Lady of the Most blessed Sacrament Parish, na isa sa mga lugar na idineklarang may pinakamaraming apektado ng Covid-19 sa lungsod at sumailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine ng ilang buwan.

Ang proyekto ay ginawa sa pagtutulungan ng Caritas Manila at Caritas Germany na nagbigay ng 100,000 Euros o mahigit sa P5 milyong piso.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, Malaking tulong ang ibinahagi ng Caritas Germany para sa patuloy na ayuda sa mga mahihirap na naapektuhan ng pandemya dito sa bansa.

Ipinaliwanag ni Fr. Pascual na ang pagtutulungan ng dalawang institusyon ng Simbahan lokal man o mula sa ibang bansa ay patunay lamang na kumikilos ang Simbahan Katolika para labanan ang krisis na dala ng Covid 19 Pandemic lalo na sa mga mahihirap at mga nagugutom.

“Nagpapasalamat tayo sa Caritas Germany sa kanilang ayuda para sa nga mahihirap na naapektuhan ng pandemya dito sa Pasay City. Alam naman natin na hindi lang kalusugan ang dulot na pinsala ng covid19 sa Pilipinas kundi mas matindi ang kabuhayan. Madami ngayon ang nagugutom at malnutrisyon sa mga bata. Nadagdagan ng 8-milyon ang mahirap. Ang tugon ng Caritas Germany na P5-milyong Piso ay malaki ang tulong sa mga urban poor sa krisis na ito. Ito ang tunay na charity in Action. We spread the CHARITY VIRUS contra Corona virus.” mensahe ni Fr. Pascual na siya ring Pangulo ng Radyo Veritas 846.

Tinukoy ng Caritas Manila ang mga “Poorest Among the Poor” na Pamilya sa nasabing lugar at siyang makakatanggap ng mga food packs na naglalaman ng bigas, de lata, pancit, dried fish, at munggo bukod pa sa mga Hygiene kits gaya ng Alcohol, Face Mask, Gloves mga sabon at maging mga Vitamins.

Tiniyak din ng nasabing Social Arm ng Archdiocese of Manila ang pagpapatupad ng social distancing at health protocol sa gagawing pamimigay ng ayuda.

Magugunitang una nang namahagi ang Caritas Manila ng mahigit sa P1.7 Bilyong halaga ng mga Gift Certificates katuwang ang iba’t-ibang Business Institutions sa buong Metro Manila at mga karatig lalawigan sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Enchanced Community Quarantine sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 23,099 total views

 23,099 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 46,884 total views

 46,884 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 59,119 total views

 59,119 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 244,763 total views

 244,763 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 274,632 total views

 274,632 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 15,256 total views

 15,256 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 59,811 total views

 59,811 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 73,104 total views

 73,104 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top