Disiplina sa pagsunod sa health protocols kontra Covid-19, panawagan ng Quiapo church sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 911 total reads

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Quiapo Church sa pagbibigay pahintulot ng pamahalaan ng Maynila na madagdagan ang bilang ng mga maaring dumalo sa pampublikong misa.

Ayon kay Fr. Douglas Badong-parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church, ito ay malaking tulong para sa mananampalatayang nanabik nang makatanggap ng Eukaristiya.

Umaasa din ang pari na sa kabila ng pagbibigay-luwag ng Maynila ay patuloy na sumunod ang bawat isa sa ipinatutupad na health protocols upang hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nahahawaan ng pandemic novel coronavirus.

“Hopefully by that time (advent) mag-increase tayo ulit. Sa ngayon okay na tayo sa 30-percent. Hindi rin naman nating puwedeng biglain yung pagdagsa ng mga tao sa simbahan,” ayon kay Fr. Badong.

Ang kautusan ni Manila Mayor Francisco Domagoso na pagpapahintulot sa 30-porsiyento ng kapasidad ng simbahan mula sa dating 10-porsiyento ay nagsimula noong Lunes.

“Maganda rin ngayon kasi, at least nasasanay na ang mga tao, madidisiplina ang tao sa pagpasok at paglabas ng simbahan. Inihahanda tayo para sa pagdating ng Simbang gabi medyo aware na sila at kung papano kumilos at paano ang galaw natin sa misa,” dagdag pa ng pari.

Naniniwala ang pari na sa pamamagitan ng paunti-unting pagluwag ng community quarantine ay masanay at madisiplina ang mga tao sa pag-iingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at face shield gayundin ang pag-aagwat ng distansya.

Umaasa din si Fr. Badong na nawa bago dumating ang adbiyento at pagsasagawa ng simbang gabi ay mas marami pang mananampalataya ang bigyang pahintulot na makadalo sa simbahan para sa mga pangsimbahang pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,005 total reads

 49,005 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,332 total reads

 86,332 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,631 total reads

 121,631 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,901 total reads

 347,901 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,473 total reads

 238,473 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 10,483 total reads

 10,483 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top