Diocese ng Gumaca, humiling ng tulong at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 830 total reads

Humiling ng panalangin ang iba’t-ibang diyosesis sa lalawigan ng Quezon kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Pepito.

Ayon kay Gumaca Social Action Director Fr. Rinaldi Sayson, nagdulot ng matinding pag-ulan ang bagyo na naging dahilan ng matinding pagbaha at pag-apaw ng mga ilog, kasabay ng malalaking alon.

Apektado ng matinding pagbaha ang nasa 6 na bayan na sakop ng 12 parokya, ito ang Gumaca, Lopez, Buenavista, Catanauan, Tagkawayan, Calauag, Gen. Luna, San Francisco at Guinayangan na ilan dito’y nakapagtala ng pagguho ng lupa. Batay rin sa ulat, aabot sa mahigit 2,700 ang mga inilikas na pamilya na kasalukuyang nasa mga evacuation centers, barangay hall at paaralan.

Isang dalagita ang nasawi matapos malunod sa bayan ng San Francisco sanhi ng matinding pagbaha. Maraming kabuhayan naman ang nasira dahil sa pagtaas ng tubig na nakaapekto sa mga magsasaka at mangingisda.

Ayon naman kay Lucena Social Action Director Fr. Bryan Cabrera, tuluy-tuloy ang pag-uulan sa kanilang kinasasakupan habang naitala rin ang pagbaha sa ilang lugar sanhi ng pag-apaw ng mga ilog.

Ayon sa pari, aabot sa 3-libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo na tinutulungan naman ng diyosesis na matugunan ang mga pangangailangan.

Nanawagan naman ang mga diyosesis sa pamahalaan at mga simbahan na patuloy na magpaabot ng tulong para sa mga apektadong pamilya na nawalan rin ng kabuhayan.

Samantala, dalangin din ni Gumaca Bishop Victor Ocampo, ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa mga apektado ng nagdaang bagyong Pepito.

Panalangin ni Gumaca Bishop Victor Ocampo:

“Diyos Amang mapagmahal, kami po ay nananawagan sa Inyong panutbay at pagpapala dahil sa matinding epekto nitong [Bagyong] Pepito sa ating mga mananampalataya at sa pananim, [gayundin], nakaragdag sa kahirapan dulot ng COVID.

Amang mapagmahal, kaawan at pagpalain Mo kami lalung-lalo na ang mga magbubukas ng kanilang puso sa pagtulong sa mga nangangailangan sa panahong ito ng kagipitan.

At ibibigay ko ang bendisyon, pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak at ng Espiritu-santo.

Amen.”

Batay naman sa huling forecast ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 kilometro sa kanlurang bahagi ng Dagupan City, Pangasinan na may lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 105 kilometro kada oras na kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Pepito, bukas ng umaga o hapon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 4,119 total reads

 4,119 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,927 total reads

 5,927 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,957 total reads

 14,957 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 52,335 total reads

 52,335 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 83,606 total reads

 83,606 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 160,171 total reads

 160,171 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 253,683 total reads

 253,683 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,461 total reads

 73,461 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top