228 total views
PANALANGIN KAY SAN JUAN APOSTOL AT EBANGHELISTA KAUGNAY NG MGA BAGONG SANTO NG SIMBAHAN: PAPA JUAN PABLO II at PAPA JUAN XXIII (Bahagi ng aming mga Panalangin sa Parokya ni San Juan Apostol at Ebanghelista, Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan mula nang itanghal bilang Santo ang dalawang naturang dating Santo Papa noong 27 Abril 2014, Linggo ng Dakila Awa ng Diyos.)
Minamahal naming Patron na Banal, Juan Apostol at Ebanghelista po ang inyong ngalan! Ngayo'y aming ipinagdiriwang sa buong Simbahan dalawang bagong Banal: Kapwa sila pastol ng kawan, nang manungkula'y pangalan mo ang hiniram. San Juan Beinte-tres nang sa kanyang katandaan tuladmo, Sinikap maging makabuluhan at buhay na palatandaan ng Diyos sa gitna ng makabagong panaho nitong InangSimbahan nang kanyang simulan ang Ikalawang Konsilyo sa Vatican. Kasabay niyang tinanghal bilang Banal ang tinaguriang Dakilang San Juan-Pablo Ikalawa; Labis na pagtitiis ang kinamit sa kanyang sakit, Krus ay sinapit, katulad mo’y naging malapit sa Ina ni Hesus kaya’t “Totus Tuus” ang kanyang awit. Itulot mo aming Mahal na San Juan Apostol at Ebanghelista, kaming iyong mga anak sana’y matularan, pinagsikapan ng dalawang bagong San Juan: pamilya’t sambayanan mabuklod sa nagkakaisang pag-ibig katulad ng dalangin ni Hesus doon sa Huling Hapunan. AMEN. San Juan Ebanghelista, ipanalangin mo kami. San Juan Beinte-tres, ipanalangin mo kami. San Juan-Pablo Ikalawa, ipanalangin mo kami.