Online platforms, gamitin sa paggunita ng Undas-Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Dulot na rin ng patuloy na banta ng novel coronavirus at mga limitasyon dulot na ring mga umiiral na community quarantine, hinikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na gamitin ang makabagong teknolohiya para sa pagtitipon kasama ang pamilya sa paggunita ng All Saints at All Souls Day.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng family reunions at prayer meeting sa pamamagitan ng on-line o zoom meetings.

“Ang Undas para sa atin panahon ng family reunion, nagsasama-sama ang mga family…Ba’t hindi tayo mag-zoom meeting as family and prayer meetings,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ito ang mungkahi ni Bishop Pabillo lalu’t tradisyon ng mga Filipino ang pagtitipon ng pamilya tuwing Undas o Todos Los Santos habang pansamantala namang isinarado ang mga sementeryo sa bansa bilang bahagi ng pag-iingat sa patuloy pang pagkalat ng novel coronavirus.

Pinaalalahanan din ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na ngayon pa lamang ay dumalaw na sa mga puntod ng kanilang mga namayapa.

“Ngayon maaga pa, dumalaw na (sementeryo). Ngayon pede na sila dumalaw at ganun din after November 4 at sa buong buwan ng Nobyembre. Magkaisa lang ang pamilya sa kanilang pagsama-sama roon,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tagubilin pa ng obispo ang ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask, faceshield at pag-distansya sa maraming mga tao upang makaiwas mula sa nakakahawang Covid-19.

Hiling din ni bishop pabillo sa publiko na hindi lamang basta dumalaw sa mga puntod kundi ang mahalaga ay ang pagdarasal para sa mga kaluluwa.

Dagdag pa ng obispo ang pagsisimba at ang pag-aalay ng misa sa mga namayapa gayundin ang pananalangin kasama ang pamilya na maaring isagawa sa kanilang mga tahanan.

“Mas maganda ay isimba natin, wag lang magbigay ng pangalan para sa yumao,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Una na ring nagpalabas ng panuntunan ang Archdiocese ng Manila na may temang One with Our Beloved Dead sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls Day.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,693 total reads

 3,693 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,553 total reads

 5,553 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,430 total reads

 14,430 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,808 total reads

 51,808 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 83,079 total reads

 83,079 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,687 total reads

 159,687 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 253,230 total reads

 253,230 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,554 total reads

 5,554 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top