Caritas Telethon, isinagawa para sa ‘relief and rehabilitation’ sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,173 total views

Patuloy na hinikayat ni Caritas Manila executive director Fr. Anton CT Pascual ang mga Kapanalig at mananampalataya na makibahagi sa paglikom ng pondo para sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly.

Ayon kay Fr. Pascual, isang biyaya sa bawat isa lalu na sa mga nakaligtas mula sa pananalasa ng malakas na bagyo lalu’t labis na pinsala ang idinulot ng kalamidad sa buhay at kabuhayan ng mga residente lalu na sa rehiyon ng Bikol at ilang mga lalawigan sa Luzon.

“Tayo ay nagsasagawa ng CARITAS OPLAN DAMAYAN TELETHON para makalikom ng pondo sa mga biktima ng Typhoon Rolly. Lalung-lalo na sa Kabikulan. Tayo ay ligtas sa kalakhang Maynila at ito ay isang biyaya ng Diyos, ngunit ito din ay isang responsibilidad na tayo ay tumulong sa mga dinaanan ng matinding bagyong Rolly,” ayon kay Fr. Pascual sa isinagawang telethon sa Radio Veritas.

Paliwanag pa ng pari na bilang mga kristiyano ay tungkulin din ng bawat isa na tumulong sa mga matinding nasalanta. “At nawa sa pamamagitan ng ating Telethon maipadama natin sa kanila ang ating pagmamalasakit at pakikiisa sa kanilang kalagayan,” bahagi pa ng panawagan ni Fr. Pascual.

Umaasa din ang pari na makakalikom ng pondo para sa mga biktima bilang pakikiisa sa kanilang pagdurusa gayundin ang pag-alalay sa kanilang pagbangon mula sa kalamidad.

“Ito pong ating gagawin ay dalawang klase relief muna, bigyan sila ng mga pagkain at mga hygiene kits. At itong isa ay rehabilitation, mabigyan ng tulong na ma-repair ang mga tahanan o kaya ay mabigyan ng kaunting puhunan,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Una na ring naglaan ng isang milyong pisong pondo ang Caritas Manila para sa limang mga diyosesis na higit na naapektuhan ng bagyong Rolly kabilang na sa Archdiocese of Caceres, mga diyosesis ng Daet, Legazpi, Virac, at Gumaca. Sa kasaluyan ay patuloy naman ang isinasagawang assessment ng simbahan katuwang ang Caritas Philippines upang alamin ang iba pang lugar na kinakailangang mabigyan ng kagyat na tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 50,339 total views

 50,339 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 80,562 total views

 80,562 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 107,213 total views

 107,213 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 202,186 total views

 202,186 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 220,007 total views

 220,007 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top