Pagiging magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,282 total reads

Mga Kapanalig, sa kabila ng modernong teknolohiya at mga makabagong kaalaman, mukhang napakahirap maging bata sa panahon at lipunan natin ngayon. Isang dahilan nito ang mga mabibigat at malalaking inaasahan o “expectations” ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Gaya na lang sa pag-aaral. Kung may kakayanan ang mga magulang, kahit ang mga batang tatlong taong gulang pa lamang ay ipinapasok na sa paaralan para umano masanay silang makisalamuha sa kapwa bata. Ngunit para sa ibang magulang, paraan ito para maging mas angat ang dunong ng kanilang anak.

Madadagdagan pa ang “pressure” sa mga bata kapag tumapak na sila sa elementarya. At ngayon ngang mayroon na tayong K-to-12 Program, labindalawang taóng mag-aaral ang mga bata. Pagtungtong ng senior high school, iisipin din nila kung aling “strand” ang tatahakin. At maninimbang sila: pipiliin ba nila ang “strand” na ayon sa kanilang interes na pag-aralan o ang kursong gusto ng kanilang mga magulang para sa kanila.

Sa ating bayan kung saan ang maayos at de-kalidad na edukasyon ay nananatiling pribiliyeho sa halip na karapatan ng lahat ng bata, may “pressure” din kung saang paaralan makapapasok at makapagtatapos ang mga bata. Malaking bagay din para sa mga magulang kung mataas ang grades ng mga bata at mas malaking karangalan sa pamilya kung may honors pa. Kaya naman sakit sa kalooban ang dala sa mga magulang ng mga batang nawawalan ng interes mag-aral at hindi makakatanggap ng diploma.

Isang paglalarawan ito ng kung paano nga ba ang maging bata sa panahon natin ngayon. Tandaan nating ang mga ito ay bunga ng lipunang magkakasama nating binubuo, ngunit sa maraming pagkakataon ay hindi kasama ang mga bata. Umiiral pa rin kasi ang pananaw na ang mga bata ay nakabababa sa ating lipunan, kahit sa loob ng ating mga tahanan.

Sa Amoris Laetitia o sa Ingles ay “On Love in the Family” ni Pope Francis, binibigyang-diin ng Simbahan ang malaki at mahalagang papel ng mga magulang para sa paghuhubog ng kaisipan, ugali, at katauhan ng mga bata. Gaya ng kasabihan, ang tahanan ang unang paaralan ng mga bata at dahil dito, ayon nga sa Amoris Laetitia: “It follows that [parents] should take up this essential role and carry it out consciously, enthusiastically, reasonably and appropriately.” Dapat na tupdin ng mga magulang ang kanilang tungkulin nang may tunay na pag-akò, masigasig, makatwiran, at naaangkop.

Ngunit paalala ni Pope Francis, hindi makatutulong kung kokontrolin ng mga magulang o mga nakatatanda ang lahat ng sitwasyong maaaring maranasan ng mga bata, kahit sa pag-aaral. “Obsession is not education,” sabi nga ni Pope Francis. Mas mahalaga ang oras kaysa sa lugar. Ibig sabihin, mas mainam para sa mga magulang at kanilang mga anak ang magkaroon sila ng oras sa isa’t isa sa halip na pairalin ang otoridad ng mga magulang para idikdik sa isipan ng kanilang mga anak ang mga bagay na sa tingin nila ay ang tama.

Kaya’t mahalagang magkaroon ang mga magulang ng kakayahang akayin ang mga bata nang may pagmamahal. Ang mga bata ay dapat ginagabayan patungo sa pagkakaroon ng kalayaan, disiplina, at kakayahang magpasya. Kung pag-ibig ang paiiralin ng mga magulang sa halip na kontrol, mabibigyan ng pagkakataon ang mga bata, habang sila ay lumalaki, na hubugin ang kanilang kakayahang harapin nang mga hamon ng buhay. Tutulong ang kanilang karanasan upang sa kalauna’y maging marunong at maingat sila sa kanilang mga gagawing pagpapasya.

Mga magulang, nais kong iwan ko sa inyo ang tanong ni Pope Francis sa Amoris Laetitia: Ninanais ba nating unawain kung “nasaan” ang ating mga anak sa kanilang paglalakbay? Nasaan kaya ang kanilang diwa at kaluluwa, alam ba natin? Higit sa lahat, gusto ba nating alamin?
Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,483 total reads

 128,483 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,347 total reads

 265,347 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,122 total reads

 381,122 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,267 total reads

 496,267 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,484 total reads

 128,484 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,348 total reads

 265,348 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,123 total reads

 381,123 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top