Katarungan sa pinaslang na pari, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,027 total reads

Manindigan para sa katotohanan at katarungan.

Ito ang panawagan ni Malaybalay Diocesan Administrator Msgr. Noel Pedregosa sa sinuman na mayroong nalalaman kaugnay sa pagpaslang kay Fr. Rene Regalado noong January 24.

Ayon kay Msgr. Pedregosa, sa pamamagitan ng paglabas ng katotohanan ay makakamit ang katarungan sa sinapit na karahasan ni Fr. Regalado na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin.

Giit ni Mgsr. Pedregosa, ang paninindigan para sa katotohanan ay paninindigan sa pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa bawat isa.

“The truth will set you free, meaning to say we can only be truly secure, we can only be truly free if when we stand for the truth. That is why I am challenging people of good conscience please come out in the name of truth, in the name of justice, in the name of God please come out likewise please stand for the truth, please stand for justice, please stand for heaven, please stand for God.” Ang bahagi ng mensahe ni Msgr. Pedregosa sa funeral mass para sa napaslang na si Fr. Regalado.

Kaisa ng mga Paring Bukidnon at mga naiwang kaanak ng pari sa panawagan ng katarungan nina Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan at Iligan Bishop Jose Rapadas na naging katuwang ni Mgsr. Pedregosa sa paghahatid sa huling hantungan kay Fr. Regalado.

Nauna ng kinondina ng diyosesis ang karahasang sinapit ng 42-taong gulang na Pari na natagpuang patay sa labas ng St. John the 23rd College Seminary noong January 24.



Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police-Malaybalay sa insidente upang matukoy ang dahilan at ang responsable sa pagpaslang kay Fr. Regalado.

Sa tala, si Fr. Regalado na ang ika-apat na Pari na marahas na napaslang sa bansa mula noong taong 2017.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,750 total reads

 6,750 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 19,103 total reads

 19,103 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,674 total reads

 123,674 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 164,232 total reads

 164,232 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,686 total reads

 184,686 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,728 total reads

 232,728 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,751 total reads

 6,751 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top