Diocese of Novaliches, may programa para sa drug surrenderees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total reads

Ilulunsad ng Our Lady of Lourdes Parish sa Diocese of Novaliches ang community-based rehabilitation program bilang tugon sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ayon kay Fr. Luciano Felloni, parish priest ng parokya at SSDM coordinator ng diocese, sa nasabing programa inaanyayahan ang lahat ng mga drug user at pushers sa lugar na sumuko na upang hindi mabiktima ng extrajudicial killings na laganap ngayon sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Fr. Fellonio, magaganap ito sa Barangay Hall 104 ng Camarin Kalookan sa September 1, 2016 alas 8:00 ng umaga at ang lahat ng surrenderees ay sasamahan nila sa City Hall ng lungsod kung saan naroon ang tanggapan ng pulisya.

Nakapaloob sa programa ng Diocese ang apat na aspekto para sa rehablitasyon ng mga susukong sangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar kabilang na dito ang kahalagahan ng pamilya; pangkabuhayan; spirituality at psycho-social intervention.

“So bumuo kami ng community-based rehabilitation program, sa side ng Simbahan ang 4 na aspekto Una ang family, treatment ng family nila, I contacted Couples for Christ at ang Family and Life Ministry ng parokya ko, kung saan ang CoC will focus on marriage at yung FLM will focus on parenting; 2nd ang Livelihood, andito ang Social Services and Development Ministry in-charge dito, we will coordinate with TESDA; 3rd ang Spirituality, offer naming sa kanila ang ready-made modules like life in the spirit seminar, Jesus In Me , and all this kinds of seminar sa Church at ipo-focus to the same group sa mga under rehabilitation at 4th ang psycho-social intervention dito papasok ang psychiatrist, teaching about dependents how to get rid of it, nakausap ko ang CEFAM, they will send some volunteers and counselors and trained people from the local place for counseling, dito papasok yung sa medical, psychologist at counselor,” ayon kay Fr. Felloni sa panayam ng Radyo Veritas.

Nilinaw ng pari na sakop ng kanilang programa ang mga community-based cases lamang.

“After surrender ,the medical worker comes in, they will categorize yung mga surrenderee, some of them are recommended for in house so wala kaming ganyang program. Yung mga community based rehab yun lang ipapasa sa amin.” ayon pa sa pari.

Ayon kay Fr. Felloni, mahalagang masubaybayan ang mga surrenderees sa kanilang rehabilitasyon upang mabigyan sila ng pagkakataong gumaling at makapagbagong buhay.

“Kailangang mabigyan ng chance for healing, kailangang subaybayan ang proseso ng pagbabago” ayon sa pari.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 40 na sangkot sa droga sa lugar ang nagpahayag ng pagsuko at umaasa sila na madadagdagan ito sa September 1 bagamat may takot lalo na at ipapadeklara sa kanila kung saan nila kinukuha ang kanilang supply na droga.

Dadalo sa launching ng community-based rehab program si Bishop Antonio Tobias, mga opisyal ng DILG, media, Barangay officials, Mayor at mambabatas mula sa Kalookan City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 105,190 total reads

 105,190 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 139,868 total reads

 139,868 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 163,072 total reads

 163,072 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 199,558 total reads

 199,558 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 211,197 total reads

 211,197 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 223,506 total reads

 223,506 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 361,473 total reads

 361,473 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top