Nakaaalarmang bilang ng out-of-school youth

SHARE THE TRUTH

 260 total views

Mga Kapanalig, isa ang edukasyon sa mga napilayang sektor sa ating bansa mula noong nag-umpisa ang pandemyang COVID-19. Milyun-milyong kabataang Pilipino ang lubhang naapektuhan at lalo pang nadagdagan ang mga hamon sa kanilang pag-aaral. Patunay nito ang nakaaalarmang pagtaas ng bilang ng mga out-of-school youth (o OSY) sa bansa nitong huling school year.

Sa datos ng Department of Education (o DepEd), umabot sa halos apat na milyong mag-aaral ang hindi nakapagpa-enroll para sa kasalukuyang school year. Nasa 23 milyon ang nakapagpa-enroll sa mga pampubliko at pribadong paaralan, lubhang mababa kumpara sa 27.7 milyong nakapagpatala noong 2019. Para kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Youth, hindi biro ang malaking bilang ng OSY dahil maaari itong humantong sa mas malalaking problema kung hindi ito maaagapan. Nakababahala raw na ang paghinto sa pag-aaral ng mga kabataan ngayong taon ay maaaring tuluyang mauwi sa pagkawala ng panahon upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.



Maraming hadlang at hamon sa new normal na paraan ng pag-aaral. Isa sa mga ito ang mababang kalidad na information communication technology (o ICT) amenities at infrastructures na mayroon tayo sa ating bansa. Sa isang survey na isinagawa ng DepEd noong Hunyo ng nakaraang taon, libu-libong mga guro sa buong bansa ang kulang sa gadgets at walang internet connection upang maisagawa ang tinatawag na distance learning. Hindi rito nalalayo ang sitwasyon ng mga estudyanteng Pilipino. Nagresulta ito ng tinatawag na digital divide kung saan mas lumawak ang agwat sa pagitan ng mga mga mahihirap, na may limitado o walang access sa internet connection at gadgets, at ng mga maykayang mayroong access sa teknolohiya. Nagbunga rin ito ng mababang antas ng digital literacy sa ilang mga mag-aaral, magulang, at guro; ibig sabihin, hindi sapat ang kanilang kaalaman at kahandaan upang maisagawa ang online learning.

Bukod sa pandemya at sa kawalan ng access sa mga ICT materials, kahirapan ang nangungunang dahilan kung bakit humihinto ang mga kabataan sa pag-aaral. Sa datos ng Philippine Statistics Authority, halos 50% ng OSY ay kabilang sa bottom 30% ng populasyon batay sa per capita income.

Tunay na nakababahala ang lumolobong bilang ng OSY sa ating bansa, lalo na’t alam nating karapatan ng bawat isang makapag-aral at makatanggap ng mahusay na kalidad ng edukasyon. Tandaan nating susi ang edukasyon sa paghubog ng pagkatao ng bawat isa upang siya ay maging produktibong mamamayan sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Sa pagkakataong nililinang niya ang kaniyang kaalaman at kakayanan, hindi lamang niya napayayaman ang kaniyang buhay; nagiging hakbang din ito sa pagpapaunlad ng kanyang pamilya, pamayanan, at bayan. Gaya nga ng sabi sa Kawikaan 3:13-17, “mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa… Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. Pauunlarin nito ang iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan.” Sa panlipunang turo ng Simbahan, sinasabing binubuhay ng edukasyon ang pagiging kritikal ng isang indibidwal upang mapagnilayan ang lipunang kaniyang ginagalawan, minumulat tayo ng edukasyon sa konkretong sitwasyon at binubuo ito ng panawagang masiguro ang pagpapabuti ng lipunan.

Kaya, mga Kapanalig, napakahalagang nakakapag-aral ang lahat ng bata, at pangunahing tungkulin ng pamahalaang gawing inklusibo, libre, at dekalidad ang edukasyon. Hamon para sa lahat ng mga nasa sektor ng edukasyon kung paano magpapatuloy ang pag-aaral ng mga bata sa gitna ng pandemya. Dapat magtulungan ang pamahalaan, pribadong sektor, at ang mga pamayanan upang marating natin ang kalagayang makatutulong sa paghubog ng isip at karakter ng ating kabataan. Kung mayroong malakas na kooperasyon at suporta ang iba’t ibang institusyon at sektor, magpapatuloy ang edukasyon sa ating bansa kahit sa gitna ng krisis at maraming kabataan ang makikinabang at makapag-aambag sa pag-unlad ng ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 35,675 total views

 35,675 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 41,093 total views

 41,093 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 47,800 total views

 47,800 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 62,594 total views

 62,594 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 68,750 total views

 68,750 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 35,676 total views

 35,676 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 41,094 total views

 41,094 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 47,801 total views

 47,801 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 62,595 total views

 62,595 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 68,751 total views

 68,751 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,675 total views

 40,675 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,259 total views

 51,259 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,476 total views

 59,476 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,709 total views

 43,709 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,685 total views

 49,685 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,778 total views

 52,778 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,483 total views

 42,483 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,371 total views

 43,371 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,674 total views

 58,674 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,083 total views

 71,083 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top