Simbahan sa TADECO, ibigay na ang lupa sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 516 total views

Suportado ng Diocese of Tarlac ang adhikain ng Department of Agrarian Reform na maipamahagi na ang lupang pag – aari ng Tarlac Development Corporation o TADECO na nasa loob ng Hacienda Luisita.

Iginiit ni Bishop Enrique Macaraeg na dapat ng ibigay ang lupang sakahan ng TADECO sa mga magsasaka nito na matagal ng nakikibaka sa lupaing nararapat naman para sa kanila at hinimok ang mga ito na patuloy na ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupang agraryo.

Hiniling rin ni Bishop Macaraeg sa TADECO na sumunod sa sinasabi ng batas na nilagdaan ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ang Darco Resolution m-s 1608-234 na nag-aatas na ipamahagi na ang walong lupa na may kabuuang sukat na 358.22 hectare sa barangay Cutcut at Balete.

“Maganda kung maibibigay na sa kanila yung lupain lalo na at para sa kapakanan naman nila yan. Yung pag – aari ay nasa Tarlac Development Corporation o TADECO mainam kung maibibigay na sa mga tenants yung dapat na nagmamay – ari doon. Maipatupad yung ayon sa agrarian reform law. Ipagtuloy na ipaglaban yung kanilang karapatan dun sa lupang na naaayon sa sinasabi ng batas,” bahagi ng pahayag ni Bishop Macaraeg sa panayam ng Veritas Patrol.

Matatandaang kinontra ng TADECO ang nasabing notice na nauna ng inilabas ng DAR noong December 2013 kahit na sakop ito ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP na mapapakinabangan sana ng mahigit 5 libong magsasaka.

Nakasaad sa panlipunang katuruan ng Simabahang Katolika na ang isang karapatang sa pribadong pagmamay – ari ay nararapat laging gamitin sa ikabubuti ng nakararami lalo ng mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 7,494 total views

 7,494 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 181,428 total views

 181,428 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,061 total views

 159,061 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 222,964 total views

 222,964 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,211 total views

 242,211 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,197 total views

 60,197 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 259,980 total views

 259,980 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top