Simbahan, nanawagan sa mamamayan na isulong ang “culture of peace” sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total views

Ang ‘culture of peace’ ang higit na dapat na manaig sa bayan.

Ito ang bahagi ng panawagan ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa kanyang open letter para sa mamamayang Filipino kasunod ng panibagong serye ng karahasan sa CALABARZON na tinaguriang “Bloody Sunday” noong ika-7 ng Marso, 2021.

Ayon sa Obispo, napapanahon na upang higit na manaig ang culture of peace o kultura ng kapayapaan sa bansa na magsisimula sa bawat pamilyang Filipino.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, higit ng nakababahala ang paglaganap ng karahasan sa bansa kung saan maging ang United Nations High Commissioner for Human Rights ay nababahala na rin sa sitwasyon ng karapatan pantao sa bansa matapos ang mga serye ng karahasan laban sa mga magsasaka sa Negros, mga katutubong Tumandok sa Capiz, mga aktibista sa Southern Tagalog at mga pinuno ng uring manggagawa sa CALABARZON.

“The United Nations High Commissioner for Human Rights have spoken for us. The farmers in Negros, the Tumandok IP leaders in Capiz, and the activists in Southern Tagalog have died already fighting for their cause. So what about us? What is our conscience telling us? If you are disturbed as much as I was, now is the time to create a culture of peace. Let’s start within each Filipino family.” Ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa kanyang open letter para sa mamamayang Filipino.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Bishop Bagaforo na tilang nagiging bahagi na lamang ng pang-araw-araw na pamumuhay at kultura sa bansa ang karahasan na nagmumula mismo sa bibig ng pinakamataas na opisyal ng bansa na dapat ay unang nagsusulong sa pagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

“I was alarmed by the realization that violence, which was incited at first by harmful, pervasive and deeply damaging rhetoric of the government’s highest officials, has become a daily fixture in the Philippine society.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Giit ng Obispo makalipas ang halos limang taon ng pananahimik mula sa mga karahasan at mga maling nagaganap sa lipunan ay napapanahon upang magsalita at ipakita sa mga mapang-abuso na nasa posisyon at kapangyarihan ang paninindigan ng taumbayan para sa kaayusan at kapayapaan sa bayan.

“For almost five years we have let our leaders take command of our collective silence. They interpreted our inaction and passive nature as explicit permission to stir unlawful behavior as long as it is covered by legal orders and memorandum.” Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 25,347 total views

 25,347 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 49,663 total views

 49,663 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 85,453 total views

 85,453 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 126,875 total views

 126,875 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 178,486 total views

 178,486 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top