Oplan Tokhang, mas masahol pa sa Martial law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Ikinatatakot na ng isang Obispo ang mabilis na pagtaas ng bilang ng “extra – judicial killings” sa umiiral na war on drugs ng administrasyon na ikinababahala rin ng United Nations at iba pang international human rights group.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, nakalulungkot na ang umiiral na kultura ng pagpatay. Kaya’t hinimok nito ang mga nasa likod ng pagpatay sa kampanya laban sa iligal na droga na makonsensiya sa kanilang iligal na pamamaraan.

“Masyado ng napapansin ng mundo, nakakalungkot na mismong ang nagsasabi ay United Nations. Harinawa ay makonsensya ang mga gumagawa niyan, sapagkat sabi nga, ‘Huwag kang papatay.’ Maliban lang yung self – defense pero may mga taong hindi nagtatangkang pumatay sa iyo, huwag mo namang basta – basta papatayin,” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Veritas Patrol.

Nangangamba rin si Bishop Bacani na maging kultura sa Pilipinas, na isang mapayapang bansa ang kawalan ng due process sa war on drugs ng pamahalaan.

Iginiit ng Obispo na mas marami pa ang napatay sa war on drugs na umiiral ngayon kumpara sa mahigit sa isang dekadang martial law o batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Ang “Oplan Tokhang” ay kampanya ng PNP para sugpuin ang illegal na droga at krimen sa bansa.

Sa ilalim ng Oplan Tokhang o war on drugs ng pamahalaan, inihayag ni PNP spokesman Sr/Supt.Dionardo Carlos na 895 drug pushers na ang napatay sa lehitimong police operations mula July 1 hanggang August 30, 2016.

Sa ulat ng PNP, 1160 drug users at pushers naman ang napatay outside police operations na patuloy na iniimbestigahan kung sino ang mga may kagagawan.

Sa record ng College Editors Guild of the Philippines, sa ilalim ng Martial Law(1972-1986) sa loob ng 14 na taon, mahigit sa 3,200 katao ang sinasabing pinaslang, 34-na libong indibidwal ang na-torture habang higit sa 70-libo naman ang ikinulong dahil sa hindi pagsang-ayon sa patakaran ng administrasyong Marcos.

Bukod dito nasa higit 75-libong indibidwal rin mula sa buong bansa ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at Rehimeng Marcos.

“Ever since Martial Law, hindi nagkaroon ng ganito karaming pagpatay na nagaganap sa Pilipinas during the time of peace at hindi during war time,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Nauna na ring ipinanawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ipagtanggol ang kasagraduhan ng buhay mula sa sinapupunan hanggang kamatayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,664 total reads

 100,664 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,494 total reads

 177,494 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,942 total reads

 210,942 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,242 total reads

 246,242 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,897 total reads

 468,897 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 299,331 total reads

 299,331 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,944 total reads

 409,944 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top