Panalangin sa mga lingkod ng simbahan na apektado ng COVID 19, nagpapatuloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total views

Bumubuhos ang panalangin para sa mga lingkod ng Simbahan Katolika na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa COVID 19.

Matapos isailalim sa isang linggong lockdown ang Caritas Manila at magpositibo sa Covid19 ang Executive Director nito at Pangulo ng Radio Veritas na si Rev. Fr. Anton CT Pascual at iba pang Kaparian mula sa iba’t-ibang Parokya at Diyosesis ay nagpapatuloy ang pagpapahayag ng panalangin ng maraming mananampalataya partikular na sa Social Media.



Iba’t-ibang mga Facebook pages at mga lider ng Simbahang katolika ang nagpahayag ng kanilang pagdarasal para sa mga naapektuhang Kaparian at mga Layko.

Nito lamang mga nakalipas na araw ay sunod-sunod ang mga napaulat na lingkod ng Simbahan na nag-positibo sa virus dahilan upang isailalim sa lockdown ang ilang mga tanggapan at Parokya maliban pa sa pagsasailalim ng Metro Manila at mga karatig lalawigan sa tinatawag na “NCR Bubble”.

Magugunitang pumanaw ang Parish Priest ng San Agustin Church na si Rev. Fr. Arnold Sta. Maria sa edad na 45 dahil sa Covid19 habang patuloy na nagpapagaling sa Ospital si Lipa Archbishop Gilbert Garcera at Fr. Pascual.



Si Fr. Pascual ay naging aktibo sa pamamahagi ng tulong gaya ng mga foodpacks at gift certificates katuwang ang mga pribadong sektor sa pagsisimula pa lamang ng lockdown noong Marso ng nagdaang taon.

Sa datos ng Caritas Manila umabot na sa 9 na milyong indibidwal ang natulungan ng nasabing social arm ng Archdiocese of Manila hindi lamang sa NCR kundi maging sa iba pang mga lalawigan.

https://www.facebook.com/RadyoVeritasPH/photos/pcb.4070516649658257/4070516249658297/

Si Arcbishop Garcera naman ay naging abala sa pagdalaw at pagtulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Sa kabila nito, magpapatuloy ang misyon ng Simbahan na maglingkod higit lalo na sa mga mahihirap at iba pang naapektuhan ng pandemya.

Kasabay ng pag-iingat at pagpapatupad ng mga health safety protocols ay ipagpapatuloy ng Caritas Manila ang mga programa nito gaya ng Feeding, Crisis Intervention at Scholarship para mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,075 total views

 56,075 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 51,944 total views

 51,944 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,146 total views

 88,146 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,567 total views

 96,567 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,218 total views

 121,218 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 82,810 total views

 82,810 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top