Santuario Diocesano dela Sagrada Familia sa Bataan, bukas sa mananampalataya ngayong Semana Santa

SHARE THE TRUTH

 430 total views

Tiniyak ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang patuloy na paglaganap ng kristiyanismo sa tulong ng Banal na Mag-anak.

Ito ang mensahe ng obispo sa pormal na paghirang, pagpapasinaya at pagtatalaga sa Santuario Diocesano dela Sagrada Familia sa Tala Orani Bataan.

Ayon kay Bishop Santos malaking biyayang kaloob ng Panginoon ang dambana na makatutulong upang higit na mapalalim ng mananampalataya sa lugar ang ugnayan sa Diyos lalo ngayong nahaharap sa matinding krisis ang mundo.

“Ito ay bahagi ng ating pagpapalaganap ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagmamahal sa Banal na Mag-anak [Hesus, Maria at Jose]; palakasin natin ang kabanalan, ang katatagan at ang katapatan sa mag-anak,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ang halos dalawang ektaryang dambana ay matatagpuan sa Mt. Naib kung saan makikita ang likas na ganda ng kalikasan na higit pinangangalagaan ng diyosesis.

Ito ay donasyon ng pamilya ni dating Department of National Defense Secretary Norberto Gonzales sa Diyosesis ng Balanga bilang pakikiisa sa mga programa ng simbahan na palaganapin ang pananampalataya at mga turo ng Panginoon.

Inihayag ni Gonzales na ang pagtatalaga ng dambana ay tanda rin ng pagsisimula ng panibagong limang daang taon ng kristiyanismo.

Nagpasalamat naman si Bishop Santos sa pamilya Gonzales sa pagkakaloob ng lugar at pagtatayo ng Santuario na handog din ng diyosesis sa Inang simbahan sa paggunita ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa.

Hiling ni Bishop Santos sa mga magtutungo sa dambana na panatilihin ang kalinisan at igalang ang kalikasan batay sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si.

“Damhin natin ang buhay na buhay na presensya ng Diyos, higit nating palalimin ang ugnayan sa Diyos na nagliligtas sa sangkatauhan; ingatan at igalang natin ang kalikasan at bigyang katotohanan ang Laudato Si ni Pope Francis dito sa Santuario,” ani Bishop Santos.

Ang Santuario Diocesano dela Sagrada Familia ay isa sa 15 simbahan sa Bataan na itinalagang pilgrim churches ngayong ipinagdiriwang ang 500YOC sa bansa kung saan makatatanggap ng plenary indulgence ang mananampalataya na dadalaw sa lugar kung ito ay nakapagkumpisal, tumanggap ng komunyon at nag-alay ng panalangin para sa intensyon ng Santo Papa.

Bukod sa pamilya Gonzales dumalo rin sa pagdiriwang ang mga pari ng diyosesis, mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Governor Albert Garcia, Representative Geraldine Roman at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 42,325 total views

 42,325 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 47,743 total views

 47,743 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 54,450 total views

 54,450 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 69,244 total views

 69,244 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 75,400 total views

 75,400 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, makikiisa sa peoples march and prayer vs CHACHA

 62 total views

 62 total views Makikiisa ang Archdiocese of Manila sa isasagawang People’s March and Prayer Against Charter Change sa May 22, 2024. Sa liham sirkular ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Isidro Marinay, hinimok nito ang nasasakupan na makiisa sa pagtitipon sa harapan ng tanggapan ng Senado sa Pasay City mula alas tres hanggang alas singko ng hapon.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CBCP, pinuri ang Civilian-led mission sa WPS

 196 total views

 196 total views Nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mas mainam na paraan ang pagkakaisa ng mga ordinaryong Pilipino sa West Philippine Sea sa halip na paigtingin ang armadong pwersa ng bansa. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virglio David ang pagpapakita ng mga sibilyang Pilipino sa pagmamalasakit sa karagatan ng WPS

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

 561 total views

 561 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divorce, labag sa batas ng simbahan

 627 total views

 627 total views Naniniwala si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas mapagtibay ang pamayanang nakaugat sa pag-ibig, habag at paggalang sa sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng pag-usad ng House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act sa mababang kapulungan kung saan inaprubahan ito ng mga mambabatas sa pamamagitan ng viva

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paigtingin ang pananalangin ng santo rosary, paanyaya ng simbahan sa mamamayan

 1,351 total views

 1,351 total views Hinimok ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin lalo ng Santo Rosaryo. Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Aristeo De Leon, sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo mahalagang maisabuhay ang panawagan ng Mahal na Ina nang magpakita

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Polisiya sa pagtanggap sa dayuhang estudyante, pinahihigpitan ng isang mambabatas

 1,374 total views

 1,374 total views Iginiit ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat higpitan ng pamahalaan ang mga polisiya sa pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa bansa. Sa panayam ng programang Veritas Pilipina, sinabi ni Castro na dapat suriing mabuti ang mga dokumentong isinusumite ng mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang dahilan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

 3,031 total views

 3,031 total views Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan. Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Ipakilala, ipakita at ipagmalaki ang Mahal na Ina.

 5,874 total views

 5,874 total views Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na Pontifical coronation ng Nuestra Señora de Fatima de Marikina sa May 12 kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day. Ayon kay Bishop Santos, isang natatanging huwaran ang Mahal na Birhen sa kanyang kababaang loob na sumunod sa kalooban na maging ina ni Hesus.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

 6,475 total views

 6,475 total views Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa. Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City. Sinabi ng obispo na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 4,204 total views

 4,204 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 6,639 total views

 6,639 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 6,725 total views

 6,725 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 7,225 total views

 7,225 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 13,090 total views

 13,090 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top