Pamahalaan, hinamong tugunan ang pagkukulang sa problemang pangkalusugan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total views

Nananawagan sa pamahalaan ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ayusin ang sistema ng kalusugan sa muling pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa bansa.

Ayon kay Camillian Priest Fr. Dan Vicente Cancino, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, nawa’y higit pang paigtingin ng Administrasyong Duterte at ang mga lokal na pamahalaan ang sistema ng kalusugan sa bansa bilang tugon sa epekto ng pandemya.

Ipinaliwanag ng pari na bagama’t mayroon nang bakuna laban sa virus ay marami pa ring pagkukulang ang pamahalaan sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakit lalo’t higit sa COVID-19.

“Magandang siguro kumatok din tayo sa ating gobyerno na patatagin [at] palakasin ‘yung health systems natin in response to COVID-19. Marami pa ring aspeto doon sa health systems natin na hindi napapatatag,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Cancino na karamihan din sa mamamayan ang umaasa sa tulong ng mga lokal na pamahalaan dahil ito ang mas madaling malapitan lalo na’t muling ipinatutupad ang mahigpit na panuntunan upang maging ligtas sa banta ng virus.

“Hindi kaila na may mga local government units na ginagawa talaga ‘yung kanilang makakaya, ngunit may mga iba rin na kulang pa. Kaya nga dapat mapaigting pa ‘yon [health system], ma- monitor ang performance din ng mga local government units sa performance ng COVID-19,” ayon kay Fr. Cancino.

Binigyang pansin naman ni Fr. Cancino ang sistema ng pangongolekta ng datos para sa mga nagkakaso ng COVID-19 na nawa’y mapabuti pa ito ng pamahalaan lalo’t higit ng Department of Health dahil ito ang pinagbabatayan sa paglikha ng mga desisyon sa pagtugon sa pandemya.

Samantala, tiniyak naman ng opisyal ng CBCP na patuloy na isasagawa ng simbahan ang pagpapalaganap ng kaalaman upang maiwasan at mapigilan ang epekto ng COVID-19 na dapat isaalang-alang ng publiko.

Gayundin ang pagpapalalim ng pananampalataya ng mga tao na makatutulong sa pagbibigay ng katatagan sa kabila ng mga suliranin ngayong pandemya.

“Tutulong tayo [simbahan] sa abot ng ating makakaya. Lalong lalo na sa pagpapalaganap ng kamalayan dito sa Infection Prevention and Control, importante ‘yan. At ‘yung building resiliency ng community sa pamamagitan ng pagpapalalim ng buhay pananampalataya,” ayon sa pari.

Muling ipinagpaliban ang mga pampublikong pagdiriwang ng mga banal na misa sa mga Diyosesis na sakop ng NCR, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan bilang pagtalima sa kautusan ng Inter-Agency task for Force for Emerging Infectious Disease.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, naitala ang 8,019 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa; habang 103-katao ang gumaling at 4 naman ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 45,243 total views

 45,243 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 169,654 total views

 169,654 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 212,061 total views

 212,061 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 290,236 total views

 290,236 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top