Banal na misa sa pagbubukas ng 500 years of Christianity celebration, ipinag-utos sa lahat ng parokya sa Archdiocese of Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,001 total reads

Ipinag-utos ni Davao Archbishop Romulo Valles sa mga nasasakupang parokya na maglaan ng isang misa para sa pormal na pagbubukas ng 500 Years of Christianity ng arkidiyosesis.

Sa pastoral advisory na inilabas ng arsobispo, sinabi nitong dapat isang misa ang ilalaan ng mga parokya at religious communities para sa naturang pagdiriwang.

Hinikayat ng arkidiyosesis ang paglalagay ng palamuti sa mga simbahan para sa selebrasyon ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa.

Gaganapin naman sa San Pedro Cathedral sa Davao City ang opisyal na deklarasyon ng Jubilee Churches at pagbubukas ng Holy Door sa Abril 4, Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Pinaalalahanan ni Archbishop Valles ang mga kura paroko sa mga napiling jubilee churches na may inilaang rito na gagamitin sa pagbubukas ng Holy Doors kaya’t hindi maaring sabay-sabay ang deklarasyon nito.

Bukod sa San Pedro Cathedral, itinalaga ng arsobispo bilang jubilee churches ang St. Jude Parish Shrine, Sta. Ana Parish Shrine, Stor. Rosario Parish Shrine, Most Sacred Heart of Jesus Parish Church (Calinan), Saint James the Apostle Parish Church at ang Immaculate Conception Parish Church.

Gaganapin ang pagbubukas sa nalalabing anim na jubilee churches sa loob ng Easter Octave.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,417 total reads

 52,417 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,333 total reads

 102,333 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 222,912 total reads

 222,912 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 273,270 total reads

 273,270 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,365 total reads

 398,365 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top