Bagong simula para sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

 121 total views

Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat!

Magandang paalala sa atin sa araw na ito ang mga salita noon ni Pope St John Paul II: “Do not abandon yourselves to despair. We are the Easter people and hallelujah is our song.” Sa Filipino: huwag nating hayaang malugmok tayo sa kawalang-pag-asa. Tayo ay mga nilalang ng Pasko ng Pagkabuhay, at aleluya ang himig na ating inaawit.

Tunay ngang mapanghamon ang kasalukuyan nating panahon. Kalbaryo ngang maituturing ang ating pinagdaraanan bilang isang bayan, at hindi madaling makakita ng liwanag sa gitna ng kadiliman, lalo na kung parating nakatatakot na mga balita ang naririnig natin at mga nakadidismayang hakbang at salita ang ibinibigay ng mga taong inaasahan nating pamamahalaan nang maayos ang nangyayaring krisis.

Ito ang kalagayang haharapin ng bago nating arsobispo rito sa Arkidiyosesis ng Maynila—si Cardinal Jose Fuerte Advincula ng Capiz. Itinalaga siya ni Pope Francis bilang kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle, na ngayon ay nasa Vatican bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples. Labinlimang buwan ding bakante ang posisyong iniwan ni Cardinal Tagle, ngunit mahusay namang pinangasiwaan ang arkidiyosesis ni Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na tumayo bilang ating Apostolic Administrator. Pasalamatan natin si Bishop Pabillo dahil nagsilbi siyang pastol natin dito sa arkidiyosesis sa panahong nahaharap tayo sa matinding krisis na dulot ng nagpapatuloy na pandemya. Maging siya ay nahawahan ng sakit na ito, ngunit lakas-loob pa rin siyang naglingkod sa ating Simbahan.



Paglilingkuran ni Cardinal Advincula ang pinakamalaking arkidiyosesis sa Pilipinas. Ang ating arkidiyosesis ay may tatlong milyong Katoliko at binubuo ng 80 parokya sa malalaking lungsod dito sa Kalakhang Maynila. Ngunit lampas pa rito ang kanyang magiging tungkulin. Bilang pinuno ng pinakamalaking arkidiyosesis sa bansa, malaki rin ang inaasahan sa kanya lalo na sa mga usaping panlipunang nakaaapekto sa atin. Linawin nating hindi siya ang kinatawan ng buong Simbahang Katoliko sa Pilipinas at hindi rin siya ang pinuno ng lahat ng obispo sa ating bansa, ngunit maituturing nating tangan niya ang natatanging tungkulin na maging gabay ng mga mananampalataya, kahit pa sa mga isyung sa paniniwala ng ilan ay hindi na saklaw ng ating Simbahan katulad ng pulitika at ekonomiya.

Sa bagay na ito, maganda ring balikan ang paalala naman ni Pope Francis sa mga paring kabilang sa Pontifical Mexican College sa Roma noong Lunes Santo. Aniya, sa harap ng malalaking hamon sa ating mundo ngayon—katulad ng karahasan, hindi pagkakapantay-pantay, pagkakahati-hati, katiwalian, at kawalang pag-asa—nangangailangan ng mga pari—o mga pastol ng Simbahan—na iniaayon ang kanilang sarilli kay Hesus at nagtataglay ng tinatawag niyang “gaze of love”—o titig ng pag-ibig—na mayroon si Hesus sa atin.

Kung may ganitong katangian ang mga pari, paliwanag ni Pope Francis, ang kanilang pagtingin sa kanilang kawan ay nagbabago at nagiging pagtitig ng paglalambing at pagmamalasakit, pagbabalik-loob, at pagkakapatiran. Sa pagtitig nang may paglalambing, natatanggap natin ang lahat at nang walang kinikilingan. Sa pagtitig na layong magkaroon ng pagbabalik-loob, nagbubuklod ang lahat para sa panunumbalik ng katarungan. Sa pagtitig na hangad ang pagkakapatiran, napagbabahaginan natin ang ating mga ugnayang mahalaga sa pagbubuo ng isang mundong nagtutulungan ang lahat.



Mga Kapanalig, ang Pasko ng Pagkabuhay ay bagong simula para sa ating Simbahan—lalo na para kay Cardinal Advincula. Ipagdasal natin siya upang magabayan niya tayo sa gitna ng unos na ating nararanasan bilang isang Simbahan at bilang isang lipunan. At panghawakan natin ang pahayag ng anghel tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesus sa Mateo 28:5: “Huwag kayong matakot.” Kapiling natin si Hesus. Buháy Siya at kapiling natin ngayon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 41,024 total views

 41,024 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 46,442 total views

 46,442 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 53,149 total views

 53,149 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 67,943 total views

 67,943 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 74,099 total views

 74,099 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 41,025 total views

 41,025 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 46,443 total views

 46,443 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 53,150 total views

 53,150 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 67,944 total views

 67,944 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 74,100 total views

 74,100 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,055 total views

 41,055 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,639 total views

 51,639 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,856 total views

 59,856 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,089 total views

 44,089 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,065 total views

 50,065 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,158 total views

 53,158 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,863 total views

 42,863 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,751 total views

 43,751 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,054 total views

 59,054 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,463 total views

 71,463 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top