Pagbibigay ng Philippine passport sa mga dayuhan, kahihiyan sa DFA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Malaking kahihiyan sa Department of Forerign Affairs (DFA) ang nakikita ng CBCP – Epicopal Commission on Migrant and Itinerant People ang naganap na maanomalyang pagbibigay ng pasaporte sa mahigit 100 Indonesians.

Sinabi ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon na kahiya – hiya ang ganitong uri ng transaksiyon na nakalulusot mula sa awtoridad ang mga Philippine passports sa mga dayuhan.

Kaugnay nito, hiniling ng Obispo sa DFA na aksiyunan ang nangyaring anomalya at parusahan ang mga nasa likod nito.

“Iyan ay isang malaking kahihiyan sa atin at malaking kahihiyan din sa DFA. Malaking suliranin sapagkat dala – dala nila ang ating pangalan at dun sa ating pangalan ay nagdudulot sa atin ng kahihiyan at hindi lang kahihiyan kundi magdudulot rin sa atin ng kapinsalaan. At itong nasa pamahalaan lalo na sa DFA kanilang hanapin, bakit nangyari? Ano ang nangyari? Sino ang dapat managot? At bigyan ng kaparusahan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Una ng itinanggi ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na nakakuha ng pasaporte ang mga Indonesians sa ilalim ng kanyang panunungkulan bagkus iginiit nito na sa ilalim pa ni dating Pangulong Benigno Aquino III naganap ang naturang anomalya ng pasaporte.

Tiniyak ni Yasay na iniimbestigahan na ng mga kaukulang ahensya ang kaso ng pagbibigay ng Filipino passport sa mga Indonesians.

Magugunitang ilang linggo na ang nakaraan nang pigilan sa NAIA Terminal 2 ang 177 Indonesians na patungo sa Saudi Arabia, makaraang matuklasan na hindi sila Filipino.

Nauna ng ipinapa – alala ng Simabahang Katolika ang pagiging tunay na lingkod bayan na sinisiguro ang transparency sa anumang uri ng transaksyon sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 82,622 total reads

 82,622 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 117,299 total reads

 117,299 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 141,383 total reads

 141,383 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 177,868 total reads

 177,868 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 191,031 total reads

 191,031 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 222,732 total reads

 222,732 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 361,026 total reads

 361,026 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top