Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

No relocation, no demolition, lalong paiigtingin

SHARE THE TRUTH

 295 total views

Tiniyak ng bagong kalihim ng Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP) na rerepasuhin nito ang Republic Act No. 7279 o mas kilala bilang Urban Development and Housing Act of 1992.

Ayon kay PUCP chairman at dating Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, makakaasa ang mga urban poor communities na papaigtingin nito ang nauna ng naipangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na “no relocation, no demolition policy.”

Siniguro rin ni Ridon na hindi na ipauubaya sa mga LGU’s o local government units ang pagre – relocate dahil sa palpak na relokasyon at nauuwi lamang sa dahas ang paglilipat sa mga maralitang taga – lungsod.

“Isa dun sa talagang tutukan natin ay yung pag – amyenda yung batas patungkol dun sa urban poor yun pong UDHA Law na tinatawag. Kasi nasa disbentahe po lagi ang ating mga kababayan dahil inaasa sa mga local government officials units yung pagre – relocate sa kanila lalo dun sa mga court order demolition. Ibig sabihan niyan, dun sa private lands dapat trabaho pa rin ng gobyerno ang pagtitiyak ng katanggap – tanggap na paglilipatan ng ating mga kababayan,” bahagi ng pahayag ni Ridon sa panayam ng Veritas Patrol.

Nauna na ring naitala ng Philippine Center for Investigative Journalism na tinatayang 3.7 milyong kabahayan ang kinakailangan upang punan ang lumalagong populasyon ng mga urban poor families sa bansa na makikita halos sa Metro Manila.

Patuloy naman pinalalakas ng Caritas Manila at Radyo Veritas ang pagtugon sa mga problema ng mga maralitang taga – lungsod ng mailunsad ang SILAI o Sikap – Laya Incorporated.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,165 total views

 29,165 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,882 total views

 40,882 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,715 total views

 61,715 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,138 total views

 78,138 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,372 total views

 87,372 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,384 total views

 37,384 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,441 total views

 36,441 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,571 total views

 36,571 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,550 total views

 36,550 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top