Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbibigay ng Philippine passport sa mga dayuhan, kahihiyan sa DFA

SHARE THE TRUTH

 232 total views

Malaking kahihiyan sa Department of Forerign Affairs (DFA) ang nakikita ng CBCP – Epicopal Commission on Migrant and Itinerant People ang naganap na maanomalyang pagbibigay ng pasaporte sa mahigit 100 Indonesians.

Sinabi ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon na kahiya – hiya ang ganitong uri ng transaksiyon na nakalulusot mula sa awtoridad ang mga Philippine passports sa mga dayuhan.

Kaugnay nito, hiniling ng Obispo sa DFA na aksiyunan ang nangyaring anomalya at parusahan ang mga nasa likod nito.

“Iyan ay isang malaking kahihiyan sa atin at malaking kahihiyan din sa DFA. Malaking suliranin sapagkat dala – dala nila ang ating pangalan at dun sa ating pangalan ay nagdudulot sa atin ng kahihiyan at hindi lang kahihiyan kundi magdudulot rin sa atin ng kapinsalaan. At itong nasa pamahalaan lalo na sa DFA kanilang hanapin, bakit nangyari? Ano ang nangyari? Sino ang dapat managot? At bigyan ng kaparusahan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Una ng itinanggi ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na nakakuha ng pasaporte ang mga Indonesians sa ilalim ng kanyang panunungkulan bagkus iginiit nito na sa ilalim pa ni dating Pangulong Benigno Aquino III naganap ang naturang anomalya ng pasaporte.

Tiniyak ni Yasay na iniimbestigahan na ng mga kaukulang ahensya ang kaso ng pagbibigay ng Filipino passport sa mga Indonesians.

Magugunitang ilang linggo na ang nakaraan nang pigilan sa NAIA Terminal 2 ang 177 Indonesians na patungo sa Saudi Arabia, makaraang matuklasan na hindi sila Filipino.

Nauna ng ipinapa – alala ng Simabahang Katolika ang pagiging tunay na lingkod bayan na sinisiguro ang transparency sa anumang uri ng transaksyon sa pamahalaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,588 total views

 72,588 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,363 total views

 80,363 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,543 total views

 88,543 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,141 total views

 104,141 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,084 total views

 108,084 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 39,359 total views

 39,359 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 38,357 total views

 38,357 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 38,487 total views

 38,487 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 38,466 total views

 38,466 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top