Diocese of Balanga, tutol sa pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total views

Tutol si Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant.

Ayon sa Obispo, malaking kapahamakan kung itutuloy ng pamahalaan ang paggamit sa nuclear power plant, una na sa kalusugan ng pamayanan at pangalawa ay sa kalagayan ng ating kalikasan lalo’t tumitindi ang epekto ng climate change sa bansa.

“Ito’y malaking kapinsalaan sa atin, kung mapapansin natin ang mga exit ng bagyo ay dito sa Southern, dito sa amin, at ang mga habagat dito sa amin ay napakalalakas, e ngayon kung bubuksan pa ang Power plant ay lalo nang napakalaking kapahamakan, at panganib ang nagbabanta sa atin, kaya ngayon palang aming [inihahayag] na kami ay tututol dahil sa malaking kapahamakan,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Iminungkahi ni Bishop Santos na gumamit na lamang ng mga alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya tulad ng solar power, hydro power, geothermal power, at biomass.

“Suggestion natin ay palawakin natin ang pag-aaral, pagpapaunlad sa mga iba pang sources ng energy tulad ng Solar, tulad ng wind at hydro. Palagay ko sa wind maganda rin don yung mga nangyayari sa Northern Luzon kasi malakas ang hangin dito,” dagdag ni Bp. Santos.

Batay sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE) National Power Corporation (NAPOCOR) at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) aabot sa $1 billion ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa BNPP.

80% sa mga kagamitan ng BNPP ang kinakailangang muling masuri ng mabuti habang ang iba naman ay kinakailangan nang palitan.

Ang 389 na hektaryang kinatatayuan ng BNPP ay matatagpuan sa Naot Point, Morong Bataan.

Tinatayang 31 taon na mula nang sinimulan itong itayo noong 1984.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 130,161 total views

 130,161 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 160,383 total views

 160,383 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 187,031 total views

 187,031 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 282,004 total views

 282,004 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 294,619 total views

 294,619 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 345,028 total views

 345,028 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top