Pagkakaisa at pagtutulungan, apela ng Simbahan matapos ang madugong pagbobomba sa Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 361 total views

Nagpaabot ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ng pakikiisa sa panahon ng kalungkutan at pagluluksa ng pamilya ng mga nasawi sa madugong pagsabog sa Davao City na ikinasawi ng 14-katao at ikinasugat ng 68-iba pa.

Inihayag ni dating CBCP President Cebu Archbishop Jose Palma ang kalungkutan sa nangyaring trahedya.

Hinimok naman ni Archbishop Palma ang lahat na sikaping magbago hindi sa pamamagitan ng paggawa ng karahasan kundi sa pamamaraang pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa.

“Napaka-malungkot yung nangyari na bombing sa Davao. Sa mga pamilya ng mga nasawi ay yung aming pakikiisa sa panahon ng luksa at mga kalungkutan. Ito ay panahon ng ating malaking luksa at sana nga po bigyan tayo ng lakas na ma-face ang reality of death. Sana nga po sa mga kapatid din natin na gumawa nito, alam po natin na kahit anong anggulo tingnan hindi talaga tama. Sana hindi na maulit yung ganitong pangyayari sa ating lahat, lahat po tayo na mga Filipino. Lahat po tayo sana ipakita natin na kaya din natin yung pagbabago hindi sa ganitong pamamaraan pero sa ating pagsisikap at sa ating pagtutulungan sa kapwa,” mensahe ni Archbishop Palma.

Sa kabila ng trahedya, hinimok ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang lahat ng Pilipino na patuloy na magkaisa at sama-samang pagsikapan na maabot ang hinahangad na kapayapaan sa bansa.

“I am really in pain of what happened in Davao, I pray for all the victims particularly those who died, May their soul rest in peace. We continue to work together collaborate, because it is only in working together that we can attain our goal of peace in our country, God Bless,” pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas.

Ipinagdarasal naman ni Iligan Bishop Elenito Galido sa panginoon na maghari ang kapayapaan at katarungan sa madugong pagpapasabog.

Ipinaabot din ni Bishop Galido ang pakikidalamhati sa nararanasang pain at suffering ng mga kaanak ng mga nasawi sa trahdeya.

“Nakikiramay kami dun sa mga nasawi at para sa mga taong nasa hospital ngayon, we are one in their pain and suffering. We pray for peace and justice na sana maresolba yung bombing na nangyari”, mensahe ni Bishop Galido.

Umaasa si Bishop Galido na madakip at maiharap sa korte ang nasa likod ng pagpapasabog.

“Lalo na yung sa peace and order ay talagang ma-address. Yung mga gumawa noon(bombing) kailangan madala sa korte,” pahayag ng Obispo.

Hinimok naman ni Bishop Galido ang mga Filipino na huwag matakot lalo na sa mga ipinalabas na travel advisory ng iba’t-ibang embahada sa Mindanao.

“Ngayon ay may travel advisory para sa Mindanao, pero hindi kayo kailangang matakot kase naka-full alert ngayon at may mga checkpoints.

More safe here because of strict security measures na ipinapatupad in and out,” pahayag ni Bishop Galido.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 9,119 total views

 9,119 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 183,053 total views

 183,053 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 160,686 total views

 160,686 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 224,516 total views

 224,516 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 243,661 total views

 243,661 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,364 total views

 60,364 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,074 total views

 260,074 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top