Ang Tunay na Halaga ng Remittances

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total reads

Ang remittances ay nagbibigay buhay hindi lamang sa maraming pamilyang Filipino, kundi sa ekonomiya ng ating bayan.

Habang nasasaid ang kaban ng bayan, mapalad pa rin tayo dahil kahit pa ramdam pa rin ang pandemya sa malaking bahagi ng mundo, marami pa ring mga OFWs ang matibay – patuloy sa pag-trabaho at pagpapadala ng ayuda sa mga kaanak sa bansa.

Noong unang bahagi ng pandemiya, tila walang katiyakan ang sitwasyon ng maraming manggagawa natin sa ibang bansa. Ayon nga sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), mahigit kumulang 400,000 na OFWs ang inuwi ng pamahalaan dahil sa pandemya. Marami sa kanila, walang trabahong naasahan dito, kaya’t nadagdag pa sila sa bilang ng mga unemployed.

Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng ating maigting na pangangailangan sa paghahanda. Ang exodus ng OFWs mula sa kanilang pinanggalingang bansa ay malaking suliranin sa kanilang mga pamilya at sa buong bayan. Ayon nga sa isang pag-aaral ng International Organization for Migration (IOM), pinakita ng pag-uwi ng libo-libong OFWs nitong panahon ng pandemya ang ating pangangailangan para sa whole-of-nation approach.

Hindi lamang trabaho ang naging problema ng mga nagsi-uwiang OFWs. Marami sa kanila, nastranded pa ng matagal sa mga pantalan, sa mga hotel, at sa iba pang lugar. Ang pangyayaring itong ay dapat maging leksyon sa ating lahat: hindi lamang national government ang dapat mangalaga sa mga OFWs, dapat tayong lahat. Lalo na kung hindi kaya ng estado.

Malaki ang ating utang na loob sa mga bayaning ito. Bagamat marami sa kanila ang nagambala ang trabaho, marami rin ang nagpatuloy at naging panangga natin sa lubhang kahirapan ng bayan. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umakyat ng 2.5% ang remittances ng mga OFWs nitong Disyembre 2020. Mula $2.969 billion noong 2019, naging $3.044 billion ito. Sa pagbagsak ng ating ekonomiya, ang mga OFWs ang nagpupumilit itayo muli ito.

Kaya’t sana, hindi lamang lip-service ang ating iaalay sa kanilang hanay. Kailangan nating maglatag ng mas malawakang reintegration programs para sa mga kababayan nating kailangan at nais ng umuwi ng bayan. Kailangang buhayin natin muli ang ekonomiya upang mas marami ng oportunidad na maghihintay sa kanila dito sa ating bayan.

Kapanalig, ang halaga ng remittances ay hindi lamang salapi; katumbas ito ng lubos na pagmamahal at pagsasakripisyo ng mga OFWs para sa kanilang mga kaanak at para sa bayan. Wika nga sa Ingles: priceless. Ayon sa Deus Caritas Est: Walang kaayusan sa lipunan kung walang ganitong uri ng serbisyo, ang sersbiyo ng pagmamahal. Huwag naman sana natin sayangin ang kanilang sakripisyo.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 7,850 total reads

 7,850 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 114,560 total reads

 114,560 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 200,671 total reads

 200,671 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 270,804 total reads

 270,804 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 304,118 total reads

 304,118 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang balde

 7,853 total reads

 7,853 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 200,674 total reads

 200,674 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 270,807 total reads

 270,807 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »
Scroll to Top