Dalawang katangian ng katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Mga Kapanalig, bilang mga tao, mahalaga sa ating magkamit ng hustisya kapag may pilit na kumuha ng isang bagay na pinahahalagahan natin. May mas mahalaga pa kaya kaysa sa buhay ng isang taong mahal natin?

Kamakailan, nabuksang muli ang usapin ukol sa reklamong isinampa sa International Criminal Court (o ICC) laban kay Pangulong Duterte at ilang opsyal ng ating pamahalaan para sa umano’y pagpatay sa libu-libong Pilipino kaugnay ng giyera kontra droga. Sa reklamong ito, sinubukang patunayan na ang malawakang pagpatay sa mga inaakusahang gumagamit o nagbebenta ng droga, ay bunsod ng patakaran ng gobyerno at may basbas ng pangulo ng bansa. Humihingi ng hustisya ang mga naiwang pamilya ng mga napaslang, hustisyang sinasabi nilang hindi nila makamit mula sa ating pamahalaan kung kaya’t dumulog sila sa ICC. Ang prosecutor ng ICC ay naglabas ng pasya na handa na ang opisina niyang imbistigahan ang mga kasong maaaring ituring na “crime against humanity” base sa mga ebidensiyang isinumite dito.

Ang tugon ng tagapagsalita ng pangulo: hindi raw makikipagtulungan ang ating pamahalaan sa anumang imbistigasyon at hindi ibibigay ang hinihinging kooperasyon sa ICC. Ang ganitong posisyon ay nauna na ring ipinahiwatig ng pangulo nang ipagbawal niyang ibigay ng Philippine National Police (o PNP) sa Department of Justice (o DOJ) ang mga records ng mga napatay na sinasabing nanlabán upang maimbestigahan ang mga kasong ito at mapanagot ang mga pulis na maaaring lumabag sa batas.

Kung gaano kariin ang pagtanggi ng gobyernong mapanagot ang mga alagad ng batas na maaaring umabuso sa pagpatay sa mga akusadong gumagamit o nagtutulak ng droga, ganoon din naman nito pilit na ipinasusuko sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) ang mga kasapi nitong responsable sa pagkamatay ng dalawang binata sa Masbate dahil sa landmine na itinanim diumano ng nasabing rebeldeng grupo. Sa kasong ito, hustisya rin ang hinihingi ng gobyerno mula sa CPP-NPA sa ngalan ng mga magulang at pamilya ng mga namatay na kabataan.

Batid natin kung gaano kalalim ang paghahangad ng katarungan ng mga nawalan ng mahal sa buhay.  Tayong mga Kristiyano ay naniniwalang ang Panginoon mismo ang nagtanim sa ating mga puso ng ganitong pagmamahal sa katarungan, at hangad din Niya ang pag-iral ng katarungan sa pagitan ng mga tao. Ayon kay propeta Isaias, wika ng Panginoon, “Ako’y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko’y katarungan.” Wika rin sa Ebanghelyo ni San Lucas “Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi?”

Sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ang katarungan ay may panloob at panlabas na katangian. Ang panloob na aspeto nito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng pagkilala sa bawat isa bilang tao at kapwa.  Ang hindi natin gustong gawin sa atin ay hindi rin natin dapat ginagawa sa iba.

Ang katarungan ay mayroon ding panlabas o obhetibong panuntunan. Ito ang batayan ng panlipunang moralidad na binibigyang buhay sa mga batas at sistemang pangkatarungang pinaiiral ng mga gobyerno upang gabayan ang mga ugnayan ng mga tao sa isa’t isa at sa pagitan ng tao at lipunan. Kailangang magkasabay umiral ang panloob at panlabas na katangian ng katarungan upang magkaroon ng tunay na hustisya.

Mga Kapanalig, tungkulin ng pamahalaang pairalin ang katarungan sa lipunan. Kung ang gobyerno mismo ang pumipigil sa pag-iral ng katarungan at ang pagpapanagot sa mga nananakit ng iba, lumalabag ito hindi lamang sa sarili niyang tungkulin kundi sa kalooban ng Diyos. Kung ang gobyerno ay hindi pantay ang pagtingin sa lahat ng tao bilang kapwa, sapagkat sa paningin nito ay hindi tao ang mga gumagamit o nagtutulak ng droga, hindi iiral ang tunay na katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,925 total reads

 5,925 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,614 total reads

 7,614 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 17,736 total reads

 17,736 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,114 total reads

 55,114 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,384 total reads

 86,384 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 162,770 total reads

 162,770 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,128 total reads

 256,128 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 17,737 total reads

 17,737 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,115 total reads

 55,115 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,385 total reads

 86,385 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 162,771 total reads

 162,771 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top