CBCP, nagpaabot ng pakikiramay sa Aquino family

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Nakiramay ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamilya Aquino kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Sa pahayag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles kinilala ng kalipunan ng mga obispo sa bansa ang mabuting nagawa at pangangasiwa ng dating punong ehekutibo at ang pagpapatuloy sa pagtaguyod ng demokrasya na pinasimulan at ipinaglaban ng kanyang mga magulang.

“The bishops in the Philippines will remember President Aquino for his deep dedication to democracy, good governance and the dignity of the human person. We are grateful for the mutual respect that existed between his administration and the Catholic Church in the Philippines, rooted in our unwavering faith in the Triune God, and our shared commitment to build a just, humane society, especially for those who are in need,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Valles.

Pumanaw si dating Pangulong NoyNoy Aquino umaga ng Hunyo 24 dahil sa karamdaman.

Pinasalamatan ng CBCP ang dating pinuno ng bansa na buo ang suporta sa Simbahang Katolika lalo na sa mahahalagang gawain tulad ng pagbisita ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015.

“We remember too, with gratitude, the role and participation he and his administration played in ensuring the success of the Canonization of Blessed Pedro Calungsod in 2012, the Apostolic Visit of Pope Francis in 2015, and the 51st International Eucharistic Congress in Cebu City in 2016, ” dagdag ng arsobispo.

Nauna nang nagpaabot si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ng panalangin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Aquino sa misang ginanap sa Manila Cathedral sa kasabay ng pagtalaga nito.

Dalangin din ni Archbishop Valles ang katatagan ng pamilya Aquino sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng dating pangulo at kaisa sa pagluluksa ng sambayanang Filipino.

“We commend his soul to our Heavenly Father, confident in His mercy and love. We offer our condolences and prayers to the Aquino family, the friends and colleagues of the former President, and the entire Filipino nation as we mourn the passing of President Aquino. “pahayag no Vallesz

Magsasagawa ng public viewing sa ‘cremated remains’ ni Pnoy sa Church of the Gesu sa Ate so de Manila University sa Hunyo 25, 2021 mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi upang mabigyan pagkakataon ang mamamayan na magbigay pugay sa ika 15 pangulo ng bansa.

Alas singko ng hapon at alas otso ng gabi isasagawa ang requiem mass habang ililibing ang mga labi nito sa Taguig Heritage sa tabi ng puntod ni dating Senador Ninoy Aquino at dating pangulong Corazon Aquino.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,839 total reads

 5,839 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,539 total reads

 7,539 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 17,647 total reads

 17,647 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,025 total reads

 55,025 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,295 total reads

 86,295 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 162,686 total reads

 162,686 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,048 total reads

 256,048 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,840 total reads

 5,840 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top