Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 561 total reads

Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities.

Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

“My role is to help and lead you in fulfilling your vocation and ministry. As your shepherd, Christ has called me to “feed” you and “to lead you to the richest pastures,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Naramdaman ni Cardinal Advincula ang mainit na pagtanggap ng iba’t ibang religious communities’ ng arkidiyosesis na dumalo sa isinagawang ‘Solemn Vespers’ noong Hunyo 26 ng hapon sa Manila Cathedral.

Kinilala rin ng arsobispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng religious men and women sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa bawat komunidad katuwang ang mga diocesan priests’ ng arkidiyosesis.

“All of us are heralds or living instruments of God’s mercy to one another. Such is our saving mission which Christ has entrusted to the Church,” ani ng Cardinal.

Una nang sinabi ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na ang mga relihiyoso at relihiyosa na narito sa Maynila ay katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng kabutihan, kabanalan at pagmamahal.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pananalangin at kahandaang makinig upang higit na magampanan ang misyon ng simbahan sa bawat mananampalataya.

“We need to pray, to unite ourselves in prayer; because in PRAYER we are being disposed to listen attentively to Christ our chief shepherd as well as listen generously to one another as members of Christ’s flock,” giit ni Cardinal Advincula.

Batay sa tala ng Roman Catholic Archdiocese of Manila may 809 na religious women habang 112 naman ang religious men.

Katuwang naman ni Cardinal Advincula sa priestly mission sa arkidiyosesis ang 245 diocesan clergy at 373 religious’ clergy

Nauna nang tiniyak ng religious communities sa bagong arsobispo ng Maynila ang pakikipagtulungan at pakikiisa sa misyon ng Simbahang Katolika lalo’t ipinagdiriwang ngayng taon ang 500 Years of Christianity sa paksang ‘Gifted to Give.'”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,287 total reads

 86,287 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,915 total reads

 163,915 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,363 total reads

 197,363 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,661 total reads

 232,661 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,796 total reads

 455,796 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top