Living Laudato Si Philippines, umaasang paiigtingin ni Cardinal Advincula ang laban para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

Umaasa ang Living Laudato Si – Philippines na maging isang epektibong pastol ang bagong talagang Arsobispo ng Maynila, ang Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa pagpapahalaga sa ating inang kalikasan.

Tiwala si Rodne Galicha, Executive Director ng grupo na paiigtingin ni Cardinal Advincula ang pagbibigay-pansin at halaga sa mga katutubong Pilipino na higit na apektado ng pang-uusig at pinapaalis sa mga minanang lupain bunsod ng mapanirang hangarin ng pag-unlad.

“We’re hopeful sa pagkatalaga kay Cardinal Jo na maging Arsobispo ng Maynila. ‘Yung kanyang mga positions lalong lalo na dun sa mga katutubo natin doon sa Panay [Island], isa ‘yun sa mga pahiwatig na ‘yung kanyang advocacy para sa kalikasan at sa mga katutubo ay nandyan,” bahagi ng pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Galicha na naaangkop ang Episcopal motto ni Cardinal Advincula na “Audiam” na nangangahulugang ito’y handang makinig, sa mensaheng nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pakikinig sa hinaing ng mundo at mga mahihirap.

Paliwanag ni Galicha na bagamat malaking hamon ang pakikinig, ito nawa sana’y maging instrumento ng Cardinal upang lalo pang mapakinggan ang hinaing ng kalikasan sa gitna ng patuloy nitong pagkasira dulot ng kapabayaan ng mga tao at pagbabago ng klima.

Gayundin ay marinig ang bawat hinaing ng mga mahihirap na lubhang apektado ng pagbabago sa kapaligiran lalong lalo na ng patuloy na umiiral na pandemyang dulot ng COVID-19.

“Hopeful ang Living Laudato Si Philippines at lalong lalo na dahil ang kanyang motto ay “Audiam”- siya ay makikinig. Tamang-tama ‘yan sa mensahe ng Laudato Si na we need to listen to both cries of the earth [and] the cry of the poor. Ang pakikinig ay malaking hamon na dapat magbibigay ng boses sa mga hinaing at pagtangis ng kalikasan lalo na ng mga maralita.” saad ni Galicha.

Si Cardinal Advincula ay kilala rin bilang makakalikasan at dalubhasa sa iba’t ibang uri ng matatandang punong-kahoy, kaya pinangarap nitong magkaroon ng isang hardin na nakatalaga mismo sa mga matatandang puno.

Ito ang iniwang pamana ng Cardinal sa Arkidiyosesis ng Capiz bago ito umalis patungong Maynila, kung saan pinangunahan nito ang paglulunsad sa Cardinal Jose Advincula Grove of Philippine Native Trees na mayroong 45-uri ng native trees na sumisimbolo sa ika-45 taon ng paglilingkod nito.

Hunyo 24, 2021, nang maganap ang makasaysayang pagtatalaga kay Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pangunguna ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,067 total reads

 84,067 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,909 total reads

 161,909 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,357 total reads

 195,357 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,655 total reads

 230,655 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,872 total reads

 453,872 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,921 total reads

 157,921 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top