Community Pantries sa bansa, suportado ng Tanging Yaman Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 753 total reads

Umabot na sa 1,201 na Community Pantries sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ang nabiyayaan ng tulong ng Tanging Yaman Foundation.

Ayon sa isa sa mga Board of Director at Founder ng Tanging Yaman Foundation na si Rev. Fr. Manuel “Manoling” Francisco SJ, sa loob ng 10 linggo o mahigit sa 2 buwan ay nakapamigay sila ng 244 na tonelada ng gulay at 93 tonelada ng bigas sa iba’t-ibang mga community pantries na naglalayong makatulong sa mga mahihirap na naapektuhan ng pandemya.

Ibinahagi ni Fr. Francisco ang kanilang pagsusumikap na makatulong sa mga nangangailangan sa NCR+ habang binibigyan din nila ng oportunidad ang mga magsasaka at mangingisda sa iba’t-ibang lalawigan.

“inaangkat natin ang mga gulay ng mga magsasaka na hindi nila maibaba sa Metropolis at natutulungan natin sila sa income nila so dalawang sektor ang natutulungan natin yun mga magsasaka sa kanilang ani at yun mga nagugutom naman dito sa loob ng metro manila.”
Ayon kay Francisco sa panayam ng programang Caritas in Action.

Inihayag ng Pari na nagagalak ang mga natutulungan ng kanilang mga proyekto lalo na’t apektado ng pandemya ang maliliit na sektor gaya ng mga magsasaka, nagtatanim ng gulay at mga mangingisda.

“nagpapasalamat po sila sa mga donors at partners natin kasi halimbawa sabi nga ng mga nagtatanim ng monggo sa Isabela kailangan na nila maibenta itong mga ani nila pambayad ng tuition ng mga anak nila at pambili ng load para sa mga online classes at tuwang tuwa po sila.dahil sa ating alternative food chain gumagalaw yun mga ani at huli ng mga magsasaka at mangingisda natutulungan ang mga pamilya nila ganun din naman napakakain natin ang mga nagugutom sa siyudad”dagdag pa ng Pari na kilala din kompositor.

Umaasa si Fr. Francisco na madami pa ang tutugon sa panawagan na tumulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga Kristiyano na nagnanais sumunod sa turo ni Hesu Kristo.

“bilang mga Kristiyano ang tawag sa atin ang paanyaya sa atin tularan ang ating Panginoon i-ambag ang ating mga maliliit na bahagi dahil kapag pinagsama-sama ito marami tayong nalilikom at marami tayong natutulungan gaya ng aming sinasabi sa Tanging Yaman, a little of many becomes much kung kaya’t hindi kailangan maging milyonaryo para makatulong sa mga nagugutom” paalala ni Fr. Francisco.

Patuloy na bukas ang Tanging Yaman Foundation para sa mga tulong at donasyon lalo na’t inaasahan na magsasagawa din ito ng pagtulong sa mga residente ng Batangas na apektado ng pagliligalig ng bulkang Taal.

Ang Tanging Yaman ay unang itinatag ni Fr. Francisco noong taong 1992 bilang isang annual fund raising concert event at kinalaunan ay naging isa nang nonprofit organization sa taong 1996.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 94,076 total reads

 94,076 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 177,106 total reads

 177,106 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 271,436 total reads

 271,436 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 333,120 total reads

 333,120 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 374,474 total reads

 374,474 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 119,265 total reads

 119,265 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top