Groundbreaking at site blessing ng Sto. Niño de Pandacan Parish, pinangunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Tiniyak ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula ang pakikiisa sa muling pagbangon at pagsisimulang-muli ng Parokya ng Sto. Niño de Pandacan na natupok ng apoy noong ika – 10 ng Hulyo ng nakalipas na taong 2020.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula bilang bagong Arsobispo ng Maynila sa naganap na groundbreaking at site blessing ceremony ng Sto. Niño de Pandacan Parish isang taon makalipas ang naganap na sunog na tumupok sa 300-taong kumbento at simbahan ng Sto. Niño de Pandacan.

Ayon kay Cardinal Advincula, bilang bagong ama at punong pastol ng Arkidiyosesis ay makakaasa ang buong pamayanan ng Sto. Niño de Pandacan Parish sa kanyang buong suporta upang muling maitayo ang bagong simbahan.

Ang Sto. Niño de Pandacan ay pinangangasiwaan nina Fr. Sonny de Claro – Parish Priest at Fr. Gilbert Kabigting – Parochial Vicar ng Sto. Niño de Pandacan Parish.

“Bilang inyong bagong ama dito sa Archdiocese of Manila kaisa ninyo ako sa pagbangon at pagsisimulang muli dito sa Parokya ng Sto. Niño de Pandacan, narito ako bilang isang pastol na nakikinig sa inyong mga pagsamo at pangangailangan, buo ang aking suporta kay Fr. Sanny [de Claro – Parish Priest], kay Fr. Gilbert [Kabigting – Parochial Vicar] at sa inyong buong pamayanan at sa pagtatayong muli ng bagong Simbahan na siyang tahanan ng Diyos sa inyong piling,” mensahe ni Cardinal Advincula

Pagbabahagi ng Cardinal, tiyak na puno ng kagalakan ang Panginoon na makita ang pagkakaisa ng sambayanan upang muling maitayo ang simbahan ng Sto. Niño de Pandacan kung saan natagpuan ang imahen ng Sto. Niño.

“Hindi ba’t nakakatuwang makita na nagkakaisa ang sambayanan sa gitna ng pagsubok, sigurado akong masayang masaya ang Diyos na makita ang ating bayan na nagsasama-sama upang itayong muli ang gusaling Simbahan.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ni Cardinal Advincula, bagamat nananatili ang sakit, kalungkutan at panghihinayang mula sa naganap na sunog na tumupok maging sa orihinal na imahen ng Sto. Niño de Pandacan ay mayroon naman itong hatid na alaala ng pagtutulungan at pagkakaisa na patuloy na nagpapanatili ng katatagan at diwa ng Simbahan.

Ang imahen ng Sto. Niño de Pandacan ay pinaniniwalaang higit 400-taon na at mapaghimala sa mga deboto.

Nakatuwang ni Cardinal Advincula sa naganap na groundbreaking at site blessing ceremony ng Sto. Niño de Pandacan Parish sina Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop-elect Broderick Pabillo at Rev. Fr. Sonny de Claro na siyang kura paroko ng Sto. Niño de Pandacan Parish.

Una ng nagpaabot ng pasasalamat si Fr. de Claro sa Caritas Manila at kay Manila City Mayor Francisco Domagoso na nagbigay ng donasyon para sa muling pagtatayo ng simbahan gayundin sa lahat ng mga nagpaabot ng kanilang tulong-pinansyal para sa muling pagsasaayos ng Sto. Niño de Pandacan Parish.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 43,144 total reads

 43,144 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 148,616 total reads

 148,616 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 185,403 total reads

 185,403 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 215,979 total reads

 215,979 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 262,690 total reads

 262,690 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top