Korupsyon at ang Bahagi ng Mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total reads

Kapanalig, naniniwala ba kayo na ang korupsyon ay nakadikit na sa ating pagkatao at hindi na ito matatanggal sa ating lipunan?

Maraming mga Pilipino ang nawawalan na ng pag-asa sa korupsyon na nangyayari sa ating paligid. Sa ngayon nga, base sa Corruption Index ng Transparency International, pang 115 ang ranggo natin sa 185 countries, at sa posibleng score na 100, 34 lamang ang nakuha natin. 113 ang ranggo natin noong 2019, at 99 noong 2018. Malayo ang binagsak natin sa loob ng tatlong taon.

Mas masakit ang korupsyon ngayon, kapanalig, dahil kahit na sa gitna ng napakahabang pandemya, marami pa rin sa paligid natin ang namiling mangloko ng kapwa. Ang nakakalungkot, wala man lang nahuling big-time na mandarambong, at wala ding nakasuhan sa mga malalaking isyu ng korupsyon sa ating bansa ngayon.

Isa sa mga dahilan kung bakit naglilipana ang korupsyon sa bayan ay ang kawalan o absence ng check and balance sa ating lipunan. Kung hindi ninyo napapansin, kapanalig, wala na masyadong whistleblowers sa paligid natin, o mga matatapang na mamamayan na handang magsiwalat ng korupsyon sa kanyang hanay.

Nawalan na rin ng boses ang civil society, na dati ay namamayagpag. Matumal na ngayon ang mga grupong nagsisiwalat ng mga hinaing ng lipunan o nagbibigay boses sa mga aspirasyon ng mamamayan. Bawas na ang boses ng prinsipyo sa ating kapaligiran. Sa pagtahimik, kapanalig, ng mga dissenting voices sa ating paligid, natabunan na rin ang integridad ng ating lipunan.

Hindi natin masisisi ang pananahimik ng marami sa ating hanay. Noong tinatag ang mga community pantries, sa halip na sumaya ang lipunan dahil mababawasan na ang gutom, hindi ba’t pinagbintangan pa ang mga ordinaryong mamamayang nagtaguyod nito bilang mga NPA? Hindi ba’t nakatanggap sila ng death at rape threats? Kung magrereklamo pa sila ng korupsyon, ano pa kaya ang maaring gawin sa kanila?

Bilang bahagi ng Simbahan, ayon sa Justicia in Mundo, obligasyon nating ihayag ang katarungan, at ang mga insidente ng inhustisya o kawalan ng katarungan sa ating lipunan. Bahagi ito ng ating misyon sa pagbibigay saksi sa pag-ibig at katarungang tinuturo sa atin ng Ebanghelyo.

Hangga’t binubusalan ang mga mamamayan, lalong kakalat ang korupsyon sa ating lipunan. Hangga’t hindi tayo makakapag-bahagi ng mga nakikita nating pandaraya sa lipunan, tuluyang mabubulok ang ating moralidad.  Upang mabawasan ang korupsyon, kailangang maisakapangyarihan ang mamamayan upang siya mismo ang mag-demand o humingi ng accountability mula sa kinauukulan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 448 total reads

 448 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,045 total reads

 5,045 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,105 total reads

 43,105 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,376 total reads

 269,376 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,841 total reads

 162,841 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,600 total reads

 256,600 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 5,047 total reads

 5,047 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,107 total reads

 43,107 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,378 total reads

 269,378 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,843 total reads

 162,843 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top