Ang pamantayan sa mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Mga Kapanalig, nabalitaan ba ninyo ang plano ng Department of Trade and Industry (o DTI) na magkaroon ng “standards” o mga pamantayan sa pagluluto ng adobo?

May mga natawa at nainis dahil sa dami ng suliranin ng bansa, ito pa ang naiisip gawin ng kagawaran. May mga naguluhan din dahil matapos imungkahi ni DOLE Secretary Silvestre Bello na huwag nang gawing requirement ang board at bar exams, heto naman ang DTI na gustong magkaroon ng mas mahigpit na pamantayan sa pagluluto ng adobo. Paliwanag ng DTI, makatutulong ito sa pagtataguyod ng ating mga produkto at pagbangon ng ekonomiya. ’Di nagtagal, binawi ng kalihim ng DTI ang sinasabing “standardization” ng adobo at sinabing gagawa na lamang ang ahensya ng “baseline” sa pagluluto ng adobo.

Sa gitna ng diskusyon tungkol sa pagkakaroon ng mga pamantayan para sa pagluluto ng isang putahe, marami ang nagtatanong: ano naman ang mga pamantayan natin sa ating mga lider?

Kasabay ng isyu sa adobo noong nakaraang linggo ang pagsulpot ng mga kandidatong tatakbo sa susunod na eleksyon. Una nang inilabas ng PDP-Laban ang senatorial bets nito. Nariyan ang mga  opisyal ng administrasyon katulad ni Spokesperson Harry Roque at DPWH Secretary Mark Villar. Nasa listahan din ng partido ang mga artista at isang sikat na newscaster. Patuloy naman daw ang pag-iisip ng mag-amang Duterte kung tatakbo sila sa susunod na halalan.

Maliban sa partido ng pangulo, inanunsyo rin noong isang linggo nina Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto ang kanilang tambalan para sa pinakamatataas na posisyon sa bansa. May listahan na rin sila ng plano nilang i-eendorsong mga senador na karamihan ay mga dati ng senador. Samantala, inaabangan pa rin ng ilan ang mga kandidatong susuportahan ng 1Sambayan mula sa mga inanunsyo nilang nominees katulad nina Vice President Leni Robredo, Senador Antonio Trillanes, at Atty. Chel Diokno.

Sa dami ng mga pangalang ito, ano nga bang pamantayan o “standards” natin sa pagpili ng mga lider natin? Susuportahan ba ng mga botante ang kasalukuyang administrasyon at mga ilang taon nang nanilbihan sa Senado? Magiging akma ba ang kakayahan ng mga artista sa gawaing ang layunin ay bumuo ng mga batas? Maisasakatuparan ba ng mga personalidad sa oposisyon ang mga pagbabagong inihahain nila? Kung nakikita ng ilang makatutulong ang magkaroon ng standards sa pagluluto ng adobo, hindi ba mas dapat tayong magkaroon ng mga pamantayan sa pagpili ng ating mga lingkod-bayan?

Naniniwala ang panlipunang turo ng Simbahan sa papel ng moral na aspeto sa panunungkulan bilang mahalagang pamantayan sa paglilingkod. Binubuo ang moral na aspetong ito ng layuning makibahagi sa pinagdaraanan ng taumbayan at tugunan ang mga suliranin ng bayan. Ibig sabihin, dapat gamitin ng mga nanunungkulan sa pamahalaan ang kanilang kapangyarihan sa makabuluhang paglilingkod sa kanilang mga pinaglilingkuran. Ang kanilang kapangyarihan ay mula sa taumbayan, kaya hindi ito kailanman dapat gamitin para sa kanilang pansariling interes. Ang pagiging lingkod-bayan ay pagsisilbi bilang isang instrumento tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, sa mga susunod na buwan, madagdagan pa ang pangalan ng mga kandidato. Darami rin ang batuhan ng putik sa pagitan ng mga naglalabang kampo, at aapaw ang matatamis na pangako ng mga kandidato. Higit na magiging mahirap para sa ating suriin kung sino sa kanila ang totoong magsusulong ng kabutihang panlahat. Kinakailangan ng aktibong pakikilahok ng taumbayan upang alamin kung totoo ang ating mga mababasa at maririnig. Tandaan natin ang pamantayang iniwan sa atin ni Hesus bilang ehemplo ng isang tunay na lingkod-bayan. Katulad ng sinabi niya sa Lucas 22:26, “…ang pinakadakila ang dapat lumagay na pinakamababa, at ang namumuno ay maging tagapaglingkod.”

Sumainyo ang katotohanan.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,979 total reads

 3,979 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,162 total reads

 11,162 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,508 total reads

 48,508 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,778 total reads

 274,778 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,245 total reads

 168,245 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,724 total reads

 261,724 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 11,163 total reads

 11,163 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,509 total reads

 48,509 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,779 total reads

 274,779 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,246 total reads

 168,246 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top