Patas na Distribusyon ng Bakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Ang pagsirit o biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi sa maraming mga bansa pa sa mundo ay nagpapakita sa atin ng kahalagahan ng bakuna at ng equitable at mabilisang distribusyon nito. Kahit pa bakunado na ang maraming mga tao sa mga nakaka-angat na bansa, nakikita natin na hindi ligtas ang buong mundo hanggang hindi ligtas ang bawat isa sa atin.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang vaccine equity ay ang pangunahing hamon ng ating panahon, at dito, pumapalya tayo.

Tinatayang mahigit kumulang 832 milyong vaccine doses na ang naturok sa buong mundo, at 82% nito ay napunta sa mga mayayamang bansa habang 0.2% ang napunta sa mga mahihirap na bansa. Sa mga high-income countries sa buong mundo, isa sa apat na tao ay nabakunahan na, habang sa mga maralitang bansa, karaniwang nasa isa sa 500 lamang. Sa Asya naman, mayroong mga bansa na mataas na ang vaccination rate gaya ng Tsina, pero kalahati pa lamang ng mga ekonomiya sa rehiyon ang nakaturok na ng 15 vaccine doses kada 100 tao. May ibang bayan, mas kaunti pa.

Kaya nga’t patuloy na kumakalat ang COVID-19 sa buong mundo. Ngayon nga ang mga bagong mutations nito ang dahilan ng mga panibagong pagsirit ng mga kaso. Kapanalig, hangga’t hindi equitable ang distribusiyon ng bakuna, walang ligtas kahit isa sa atin. Ngayon nga, marami ang nagsasabi na matapos kunin ng COVID-19 ang maraming mga elderly nuong unang pagsirit ng mga kaso, bumabalik ito ngayon para kunin ang mga bata. Nakakatakot, oo, pero nakikita natin ngayon na pabata ng pabata ang ang mga biktima ng sakit na ito, at malaking porsyento sa kanila, hindi bakunado.

Kapanalig, hawak na ng mundo ang mga sandata laban sa pandemya—ang bakuna, ang mga health protocols—kaya lamang, ang mga sandatang ito ay hindi lahat nababahagi at nasusunod ng karamihan. Ang bakuna, kapanalig, ay makapangyarihan. Ngunit kung hanggang sa piling tao lamang napupunta ito, darating ang panahon na mismong ang sandatang ito ay magiging inepektibo na sa mga panibagong variants na susulpot sa ating mundo. Walang katuturan ang pagkamkam ng bakuna dahil hangga’t hindi ligtas ang bawat isa sa atin, wala ni isa sa atin ang maliligtas. Patuloy na kakalat ang sakit.

Ang Quadregisimo Anno ay nagsasabi sa atin na ang yaman na bunsod ng socio-economic developments ay dapat maipamahagi sa lahat ng indibidwal at klase sa lipunan upang lahat ay makinabang at ating matiyak ang kabutihan ng sanlibutan. Makikita ang ehemplo na ito ng pagmamahal sa kapwa, ayon naman sa Fratelli Tutti, sa kabayanihan ng mga frontliners sa ating paligid, ang mga doctor, mga nurses, mga pharmacists, mga nagtitinda at supermarket workers at iba pa, na nagtataya ng kanilang buhay at ngayon ay humuhulma ng ating kasaysayan. Sa kanilang mga kilos, ating makikita na tunay nilang nauunawan na “Walang sinuman ang naililigtas, mag-isa”  (No one is saved alone).

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 13,092 total reads

 13,092 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 70,400 total reads

 70,400 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 155,766 total reads

 155,766 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 202,502 total reads

 202,502 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 250,374 total reads

 250,374 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 350,864 total reads

 350,864 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 70,401 total reads

 70,401 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 155,767 total reads

 155,767 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 202,503 total reads

 202,503 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 250,375 total reads

 250,375 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top