Diocese of San Pablo at Pondo ng Pinoy, magkasama sa pagtulong sa mga apektado ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,196 total reads

Aktibo ang Diocese ng San Pablo sa Laguna sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang tiniyak ni Ms. Ava Istino, isa sa mga taga pangasiwa ng Social Action Center ng Diocese of San Pablo at siya din lay coordinator ng Pondo ng Pinoy sa nasabing diyosesis.

Ayon kay Istino, katuwang ang Pondo ng Pinoy ay iba’t-ibang mga hakbang na ang kanilang nagawa para umagapay sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Aminado si Istino na nakakalungkot ang kalagayan ng mga kababayang nating mahihirap partikular na sa kanilang lalawigan kung saan marami ang nawalan ng trabaho at mga oportunidad.

“Opo kumbaga mahirap na sila pero sa sitwasyon nitong pandemic lalo silang nadiin sa hirap kahit anong ahon ang gawin talaga kulang na kulang para sa pamilya at saka madami din nawalan ng trabaho kaya hindi mo alam saan sila kukuha ng kakainin kaya bagamat paunti unti lang yun pwede natin itulong at gusto natin tumulong pero hindi natin alam paano lalahatin na sila ay matulungan at mabigyan ng ayuda pero at least may opportunity tayo at yun ang aming pinagsisipagan dito sa Social Action [San Pablo],” pahayag ni Ms. Istino sa panayam ng programang Caritas in Action.

Naniniwala si Istino na malaki ang tulong ng Pondo ng Pinoy at ng mga sumusuporta dito upang makakilos ang Simbahan at makatuwang sa suliranin ng mga mahihirap.

Aniya, malaking aral ang kanyang natutunan mula sa pag-iipon ng bente singko sentimos para sa Pondo ng Pinoy na siya namanag ginagamit upang makapagsagawa ng maraming proyekto tulad ng livelihood at scholarship program ng Diyosesis.

“Doon ko po naramdaman ang pagkilos ng Diyos na nagsimula lang sa pagbibilang ng 25 sentimos. Ito po ako ngayon gumagawa ng mga project proposal katuwang ang aking Director [Fr. Noel Panopio] tapos bumaba kami sa mga tao para maramdaman lalo na ang ginagawa mong pagbibilang ay hindi lang pala pagbibilang. marami itong maitutulong kahit 25 sentimos lang,” dagdag pa ng Finance Officer ng Social Action Center ng Diocese of San Pablo.

Sa datos na ibinahagi ni Istino sa Radyo Veritas, tinatayang umabot na sa P5 Milyong piso ang halaga ng tulong na kanilang natamo mula sa Pondo ng Pinoy.

Magugunitang taong 2004 nang ilunsad ni noo’y Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang Programang, Pondo ng Pinoy na kilala sa temang; Ano mang magaling, kahit maliit, basta’t malimit ay patungong langit.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,001 total reads

 14,001 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 71,932 total reads

 71,932 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 157,299 total reads

 157,299 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 204,034 total reads

 204,034 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 251,906 total reads

 251,906 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 352,346 total reads

 352,346 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,544 total reads

 113,544 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top