Resiliency ng mga Pilipino, nasusubok ng COVID 19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Manatiling positibo sa kabila ng mga pinagdadaanan bunsod ng pandemya.

Ito ang mensahe ng Childfam Possibilities sa mga patuloy na nakakaranas ng pagkalungkot at pagkabahala dahil sa epekto ng pandemya at muling pagtaas ng kaso ng Covid19 sa bansa.

Ayon sa Psychologist na si Ms. Roselle Teodosio,bagamat hindi maisasantabi ang mga suliranin at problema na dala ng pandemya ay dito naman masusubok ang resiliency o katatagan natin bilang isang indibidwal.

Aniya mahalaga ang ating kakayanan na malagpasan ang mga hamon ng buhay lalo na sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon kung saan marami ang nawalan ng trabaho, mahal sa buhay at pagkakataon na magtipon o magkasama-sama.

Sa kabila nito, pinaalalahan ni Teodosio ang bawat isa na iwasan ang tinatawag na ‘Toxic Positivity’ o pagtatanggi sa sarili o sa kapwa na makaranas ng kalungkutan bagamat ito ang totoo na nararamdaman ng isang indidbidwal.

“Malaking kaibahan yan yung toxic positivity at yun pagiging positibo lang kasi nabanggit natin kapag sinabing toxic positivity parang pinagbabawal na makaramdam ng kahit anong negatibo dapat positibo ka lang kahit may suliranin o mayroon mga pinagdadaanan.”paliwanag ni Teodosio sa panayam ng programang Caritas in Action.

“Parang sinasabi na okay ka lang kahit hindi ka naman talaga okay lang parang hindi pwede na magsabi ka ng hindi okay.” Dagdag pa niya.
Aminado ang nasabing Psychologist na mahalaga ang pagdamay sa kapwa ngunit hindi ito dapat mag-resulta sa maling payo o pagbabawal sa isang tao na pigilan ang kanyang nararamdaman sa gitna ng mga pagsubok.

Hinikayat ni Teodosio ang bawat isa na maging “good listener” lalo na sa mga problema na ibinabahagi sa atin ng mahal sa buhay.

“Unang una kapag humingi ng advice saka tayo magbigay. kung hinihingi nya saka natin sabihin yun sa tingin natin na hinihingi nya sa atin kapag tinanong ano ang dapat ko gawin saka tayo magsalita”

“Hindi naman kailangan na meron ka agad solusyon sa mga problema nya” paliwanag pa ni Teodosio.

Batay sa datos ng National Mental Health Program ng Department of Health tumaas ang bilang ng mga nakakaranas depression at suliranin sa mental health dahil sa pandemyang dala ng Covid19 kung saan tinatayang nasa 3.6 milyong pilipino ang nakakaranas nito.

Sa bahagi ng Simbahang katolika ay nagsasagawa na din ng mga programa na naglalayong makapagbigay ng psycho-social assistance at counseling sa mga nakakaranas ng depresyon at labis na kalungkutan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,610 total reads

 11,610 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,887 total reads

 12,887 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,887 total reads

 26,887 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,265 total reads

 64,265 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,535 total reads

 95,535 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,043 total reads

 171,043 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,964 total reads

 263,964 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,275 total reads

 100,275 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top