Maging matalino at mapanuri sa ihahalal na kandidato sa 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 864 total views

Isaisip ang pagmamahal sa bayan sa pagpili at pagboto ng mga kandidato na ang paglilingkod sa bayan ang tunay na layunin sa pagtakbo para sa nakatakdang halalan.

Ito ang binigyang diin ni w – Convenor ng Movement Against Tyranny at election watchdog na Kontra Daya kaugnay sa pagsasapubliko ng ilang mga partido sa listahan ng mga kakandidato para sa 2022 National and Local Elections.

Ayon sa madre, nawa ay maging matalino at mapanuri ang bawat botante sa pagpili ng mga kandidato na tunay na maglilingkod para sa bayan at hindi para lanmang sa pansariling kapakinabangan tulad ng pag-iwas sa anumang kaso o upang makapagkamkam ng pera ng bayan.

“Ang wish ko sa mga tao, pwede ba talaga namang gamitin natin yung utak natin at gamitin natin yung tunay na pagmamahal sa bayan na talagang iboto lang natin yung talagang mga kandidato na ang first and foremost objective nila is to serve the people and to work for the common good, hindi yung [ang dahilan ay para sa] kanilang sarili yung para hindi sila ma-accuse later on yung ganun ba or corruption or money.” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radio Veritas.

Giit ng madre, napapanahon ng matauhan ang bawat mamamayan na hindi na maari at hindi na kakayanin pa ng bayan ang karagdagang 6 na taon sa ilalim ng kasalukuyang mga namumuno sa bansa na nagdulot ng labis na kaguluhan, kahirapan, at kawalan ng direksyon sa lipunan.

Paliwanag ni Sr. Mananzan, dapat na hangarin at pagsumikapan ng bawat mamamayang Pilipino na makaahon at mapagtagumpayan ang mahirap na sitwasyong kinasasadlakan ng bayan sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagiging matalino at mapanuring botante sa nakatakdang halalan.

“I hope sana matauhan naman ang mga karamihan ng mga ano [kababayan] natin na makita man lamang na hindi na pu-pwede talaga na meron pang [karagdagang] 6 years na ganitong nangyayari sa atin, ang tingin we are so low that there should be no movement except going up hindi going lower, yun ang tingin ko sa sitwasyon natin I’m sorry it looks so pessimistic but it’s the reality.” Dagdag pa ni Sr. Mananzan.

Una ng binigyang diin ni Sr. Mananzan na maituturing na kahihiyan para sa bansa ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nominasyon ng partidong PDP-Laban upang kumandidato para sa pagka-bise presidente sa nakatakdang halalan na bukod sa hindi pinag-isipan at hindi makatwiran ay isa ring tahasang paglabag sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Sa Oktubre nakatakda ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo para sa nakatakdang 2022 National and Local Elections sa susunod na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 16,182 total views

 16,182 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 66,196 total views

 66,196 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,065 total views

 62,065 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,151 total views

 98,151 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,056 total views

 106,056 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top